• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: JC Santos says he’s set to do a horror movie with Kim Chiu and Chito Roño

EXCLUSIVE: JC Santos says he’s set to do a horror movie with Kim Chiu and Chito Roño

JC Santos admits he’s just happy with all the work that is being offered to him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/19/2017 10:22 AM
EXCLUSIVE: JC Santos says he’s set to do a horror movie with Kim Chiu and Chito Roño


011917-JCSantos2_PUSH.jpgMukhang hindi naman mababakante ang acting career ni JC Santos dahil pagkatapos ng Till I Met You TV series with James Reid and Nadine Lustre ay ipalalabas namana ng pelikula niyang Sakaling Hindi Makarating on February 1. Bukod dito, gagawa rin siya ng bagong pelikula sa Star Cinema kasama si Kim Chiu na ididirek ni Chito Roño.

“First time ko pong magtatrabaho ng mainstream cinema at first time kong makakatrabaho sina Direk Chito at Kim kaya sobrang excited ako. Nag-meet na po kami ni Direk Chito, so far, masaya naman po kaming nag-meet dahil nga in-offer sa akin itong role,” balita ni JC sa Push.com.ph.

Patuloy ng binata, “Nung una kaming nagkita ni Direk, sabi niya sa akin, ‘I trust you with the character, alam ko bilang galing ka sa theater na magtutulungan tayo.’

“And that’s very exciting for me kasi ako, dyusko, makahawak lang ako ng script tuwang-tuwa na ako, eh. Award na yon sa akin…alam mo yon? Ngayong in-offer sa akin yung role, sobrang… ‘Direk, salamat!’”

Ayon pa kay JC, Ghost Bride daw ang magiging working title ng Kim-JC horror movie. Hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa pagsasama nila ni Kim sa pelikula.

“Hindi ko alam…hindi ko alam kung anong ie-expect ko kay Kim. I’m sure… alam ko namang magaling siya dahil matagal na siya sa industriya, so excited ako do’n sa magiging chemistry namin.

“I think, tatlo kami, eh. Kasama din ata si Enzo Pineda sa pelikula. So excited kami sa mabubuo naming produkto,” dagdag ni JC.

Nararamdaman ba niya ngayon na lumevel-up na talaga ang kanyang popularity after Till I Met You?

“Naloloka lang po ako sa … naloloka pa rin po ako kasi nga dahil nga may ganitong atensyon na binibigay sa akin. Hindi lang kasi Maynila, eh, parang buong Pilipinas na. Tapos meron na akong image na kailangang i-maintain, pero hindi po (nagsi-sink-in) sa akin na sikat ako, eh,” reaksyon niya.

Patuloy ni JC, “Nakaka-ground po kasi yung theater lalo na ngayong bumabalik ako and I think, hindi siya ever tumawid sa akin na mai-enjoy ko nang sobra yung mainstream television. Nandiyan siya because I have work and I love the work and I need the work and binibigyan nila ako ng magandang trabaho, pero hindi ko alam kung paano siya nagsi-sink-in, eh.

“Hindi rin po siguro ako… Basta nu’ng time po na in the middle of the whole process ng six months na yon, sinasabi ni Direk Andoy (Ranay) na, ‘Uy, sikat ka na.’ ‘Ah talaga ba?’ sabi kong ganu’n. Kasi nagti-taping lang po ako and gustung-gusto ko po yung trabaho ko.

“And for me, yon na yung pinakamasaya at pinakamasarap na nangyayari sa buhay ko – na may trabaho ako na acting pa din which is my passion and what I love to do,” pagtatapos ng bida sa Sakaling Hindi Makarating.