Bryan Termulo gives reaction to slow-paced showbiz career

Bryan Termulo admits he’s content with what he has now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/18/2017 10:14 AM
Bryan Termulo gives reaction to slow-paced showbiz career


011817-BryanTermulo_PUSH.jpgHindi masyadong visible ngayon sa TV at sa music scene si Bryan Termulo kaya tinanong namin agad ang binata kung kontento ba siya sa takbo ng kanyang career sa ABS-CBN.

“Hindi ako nababagot! Okey lang sa akin,” simulang pahayag ng singer-actor.

“Kasi parang there are times na malungkot ako kasi wala akong work, parangkahan yon, nakakalungkot pag wala kang trabaho. Pero may Salamat Dok ako, meron akong isang programang ginagawa na hindi na inalis sa akin ng network.

“At pag-iisipin mo, in every time na doubt ka sa sarili mo, babalikan mo yung previous episodes ng Salamat Dok. Pag tiningnan mo yung running time, may five minutes kang exposure sa TV compared naman sa isang line na kinakanta mo.

“So, anong gusto mo? Hindi ka pa ba dapat makontento sa bagay na yon? Sa akin, sige kung meron pa talaga akong ine-next level pa (bilang singer), then so be it. Tanggapin natin yon,” mahaba niyang paliwanag.

Sa palagay ba niya magiging okey ulit ang singing at acting career niya?

“Yes, I can see that. Pero dapat lagi tayong may backup plan at yon lang naman yung ginagawa ko. Lagi ko namang nilu-look forward na mas maging okey yung every year ko,” sagot niya.

Patuloy pa ng binata, “Hindi naman sa frustrated nung 2016, parang wala lang alon, pero hindi naman yung alon na pababa talaga, kumbaga sakto lang. Ang pinray ko sa 2016, sana mag-elevate. Eh, hindi, so be contented na lang. Ngayong 2017, same lang din ang prayers ko.”

Simple lang naman daw ang kaligayahan niya at madali siyang makontento sa mga nangyayari sa buhay niya. “Pinaka-main objective ko kasi nung time na na-expose ako sa TV, sabi ko, ‘Lord, gusto ko lang ma-experience yung life, kung papaano kumita, kung papaano tilian, kung papaano ang buhay ng isang artista… pa-experience Mo lang sa akin ito and then okey na ako.’

“Meron siyang mga bagay na binigay sa akin na more than that na unexpected kaya sabi ko, ‘salamat.’ Ngayong bumalik uli na parang patag (yung career), pina-experience mo sa akin ito, masaya pa rin ako,” pahayag pa ni Bryan.

Samantala, bukod sa Salamat Dok, abala rin si Bryan bilang ambassador ng Megasoft Hygienic Products na kilalang manufacturer ng Super Twin Diapers, Sisters Sanitary Napkins, pantyliners, cologne, adult diapers, and detergent powder.

“Ang tanong ko sa sarili ko noon, bakit nila ako kinuha? Tapos nung sinabi nila sa akin na kailangan daw kasi nila yung nakapagtapos ng pag-aaral, pumayag agad ako. Kasi it’s really hard to convince students if yung nagsasalita sa kanila hindi nakapagtapos ng pag-aaral,” katwiran niya.

One year na maglilibot si Bryan sa iba’t ibang schools sa buong bansa bilang bahagi ng kontrata niya as Megasoft ambassador.