• Home
  • Fresh Scoops
  • Awra is excited for this week’s ‘Your Face Sounds Familiar Kids’

Awra is excited for this week’s ‘Your Face Sounds Familiar Kids’

Awra says it’s a dream come true for him to impersonate Rihanna.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/18/2017 10:35 AM
Awra is excited for this week’s ‘Your Face Sounds Familiar Kids’


011817-AwraBriguela_PUSH.jpgMasaya natin nakapanayam ang child star na si Awra Briguela sa isang appearance nito sa isang programa sa Navotas City.

Dito naibahagi ng child star ang kanyang pananabik sa linggo-linggong pagpapalit anyo sa Your Face Sounds Familiar Kids.

"Sobrang saya ko po kasi alam ko po na marami akong napapasaya and nararamdaman ko din po ang suporta nila, Sana po tuloy-tuloy lang po ang suporta nila sa akin," panimula ni Awra.

Mula kay Mommy Dionisia Pacquiao at Teen king Daniel Padilla, mas excited daw siya ngayon linggo dahil dream come true ang gayahin niya ang kanyang idol na si Rihanna.

"This week po ang gagayahin ko po si Rihanna. Siya po yung dream ko na gayahin at ito na nga gagayahin ko na po siya kaya na-excite po ako."

Dahil inaabangan ang kanyang pasabog na performance, naitanong din kay Awra kung sakali na gagayahin niya ang kanyang Ate Vice [Vice Ganda] ay mahihirapan ba siya dito. "Hindi na kasi copy ko na siya, tsaka andyan lang po siya para gabayan po ako kung sakali din po na gagayahin ko siya. Kailangan ko pa din po yung guidance niya kasi hindi naman po perfect yung pagkakagaya ko sa kanya," saad pa niya.

Dahil naman sa success ng kanyang first movie na The Super Parental Guardians, naibahagi din ni Awra na posible na maging parte muli siya ng isang pelikula.

"Meron na po nasabi po sa akin pero hindi pa po malinaw kung ano kaya sana po suportahan padin po nila ang gagawin ko," pagtatapos niyang kuwento.