• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto reveals why she agreed to a kissing scene with Jake Cuenca

Angeline Quinto reveals why she agreed to a kissing scene with Jake Cuenca

Angeline Quinto talks about her first kissing scene with Jake Cuenca.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/18/2017 10:39 AM
Angeline Quinto reveals why she agreed to a kissing scene with Jake Cuenca


011817-AngelineQuinto_PUSH.jpgSumabak na rin sa kissing scene sa pelikula ang singer na si Angeline Quinto. May torrid kissing sila ni Jake Cuenca sa Foolish Love movie ng Regal Films na showing on January 25 under the direction of Joel Lamangan.

Sey ni Angge, hindi siya ready sa ganu’ng eksena pero madalas naman daw siyang nakakapanood nito sa TV at pelikula.

“Nakakapanood naman po ako (sa TV at movies), pero iba po yung feeling na gagawin mo ito sa pelikula, na na-experience mo na sa totoong buhay, siguro po mas madali yung ganu’n. Siguro, kaya rin po nahirapan ako tsaka natakot ako kasi hindi ko pa yon nasubukan sa totoong buhay,” pagtatapat ni Angeline.

“Medyo natakot po talaga ako nu’ng una. Sa totoo lang, madalas akong nagtatanong kay Direk Joel (Lamangan), feeling ko nga, nakukulitan na siya sa akin, eh, sabi niya naman sa akin, basta gawin ko lang kung ano yung alam kong tama,” dagdag niyang pahayag.

Kinausap din daw niya nang masinsinan si Jake bago kunan ang eksena.

“Sabi ko, ‘Jake first time ko itong gagawin, sana tulungan mo ako.’ So medyo kinailangan namin ng konting oras po before mag-take si Direk na ibinigay naman sa amin ni Direk Joel yon kasi kailangan ko talaga.

“Ang ginawa niya, hinahawakan niya yung kamay ko para maramdaman ko na siya talaga yung love ko… so, kailangan namin ng torrid na kissing scene… kung sa Tagalog, laplapan talaga,” pagde-describe niya sa kanilang halikan.

Pahabol pa ni Angeline, “Nakakatawa at nakakatuwa yung experience na yon kasi ang sarap pala. Hahaha!”

Bakit ba siya finally napapayag makipag-kissing scene?

“Siyempre, bagong taon, 2017 at siguro hindi naman po masama na mag-try ka ng mga bagay na hindi mo pa nasubukan, di ba po? At sobra naman din po yung tiwala ko kay Direk Joel na hindi niya ako pababayaan sa mga eksena ko with Jake.”

Eh, si Jake, hindi rin ba siya pinabayaan?

“Hindi ko na po alam sa kanya,” natatawa niyang reaksyon.

Eh, kumusta naman si Jake bilang kisser?

“Hindi ko narinig yung cut ni Direk, eh,” pagbibiro niya.

“Si Jake, napaka… sobra yung pag-alalay niya sa akin don sa mga eksena na first time kong gawin lalo na do’n sa mga kissing scene namin. Medyo kinakabahan ako nu’ng umpisa kasi first time ko itong ginawa, eh.

“Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat gagawin ko, pero alam ko naman na si Jake ay magaling do’n kaya ipinabuya ko na lang lahat sa kanya,” natatawa pagtatapos ni Angeline.