65th Miss Universe Front runner beauties of Latin America

Kilala ang mga Latina bilang manghahakot ng korona sa prestihiyosong Miss Universe pageant, kung kaya taon-taon maraming pageant fans ang nag-aabang sa mga kandidatang kanilang ipinapadala sa mga beau

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/18/2017 10:25 AM
65th Miss Universe Front runner beauties of Latin America


011817-Latina_PUSH.jpgKilala ang mga Latina bilang manghahakot ng korona sa prestihiyosong Miss Universe pageant, kung kaya taon-taon maraming pageant fans ang nag-aabang sa mga kandidatang kanilang ipinapadala sa mga beauty pageant.

Ngayon taon, maituturing na nag-uumpaaw sa kagandahan ang ilan sa Latina na matutunog ang pangalan sa mga pageant website bukod dito. Trending din ang bawat post ng mga kandidata sa kanilang mga personal na social media accounts.






Brazil

Raissa Santana

brazil.JPG

Lumikha ng ingay ngayong taon ang pambato ng bansang Brazil na si Raissa Santana bilang kauna-unahang black woman na ipinadala ng kanyang bansa bilang opisyal na kandidata sa Miss Universe pageant pagkatapos ng 30 taon. Siya ay nagtapos ng Marketing degree sa edad na 21 at nakatutok sa kanyang adbokasiya na tumutulong sa mga nakakatanda sa kanyang bansa sa Brazil.

Colombia

Andrea Tovar

colombia.JPG

Top favorite din sa iba't ibang pageant website ang 23-year-old beauty ng Colombia na si Andrea Tovar. Sa taas na 5'11”, aktibo ang Colombian beauty sa sports gaya ng volleyball. Kung papalarin na makoronahan ngayong taon, nais ni Miss Colombia na pagtuunan ng pansin ang pagpapayaman sa mga natatanging produkto ng Colombia.

Bukod dito inaabangan din karamihan ang magiging performance ni Miss Colombia dahil sa pangako nitong babawiin niya ang koronang dapat sa kanyang bansa noong taong 2015.

Venezuela

Mariam Habach

venezuela.JPG

Inaabangan din ang performance ng 20-year-old dentistry student ng Venezuela na si Mariam Habach. All eyes ngayong taon sa Venezuelan beauty dahil sila lamang ang tanging bansa na nakapagtala isa sa pinaka-maraming korona sa history ng Miss Universe kasunod ng USA na may 8 korona. Bukod dito, ang bansang Venezuela din ang tanging bansa na nagkaroon ng back-to-back win sa Miss U pageant.

Panama

Keity Drennan

panama.JPG

Lumilikha din ngayon ng ingay ang bansang Panama sa social media para sa kanilang pambato na 26-year-old professional model turned beauty queen na si Keity Drennan. Isa si Miss Panama sa mga kinoronahan ng reigning Miss Universe queen na si Pia Wurtzbach nang minsan siyang bumisita sa Panama. Top favorite din ang kandidata dahil sa experience nito sa iba't ibang international beauty pageants na kanyang sinalihan. Kung papalarin, nais ipalaganap ni Miss Panama ang kanyang adbokasiya patungkol sa Autism.

Ngayong January 30, 2017 nakatakdang ipasa ni Pia Wurtzbach ang kanyang korona sa kanyang successor sa Mall of Asia Arena.

Photo Credits to http://www.missuniverse.com/members/profile/825381/year:2016