• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Dizon gives advice for women in the middle of a separation

Sunshine Dizon gives advice for women in the middle of a separation

Sunshine Dizon says she and her ex-husband are civil to each other.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/17/2017 10:04 AM
Sunshine Dizon gives advice for women in the middle of a separation


011717-SunshineDizon_Push.jpgKahit iniurong na ni Sunshine Dizon ang kasong concubinage at anti-violence against women and children sa ex-husband niyang si Timothy Tan ay hindi pa raw niya sigurado kung kailan niya tuluyang mapapatawad ang estranged husband.

“To be honest, tao lang po ako. Hindi ko alam. Hindi. Kasi, hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa mga anak ko. Napakaliit pa ng anak ko, na-experience nilang lahat ito dahil lang sa isang babae, di ba?

“So I don’t know, I really don’t know. But for sure, I will never forget, I will never forget,” reaksyon ni Sunshine.

Ayon pa sa aktres, civil naman daw sila sa isa’t isa kapag nagkikita.

“We’re very civil. Baka magulat nga ang mga tao, nakikita nila kami magkasama, that’s all for the children. Naghahatid-sundo siya ng mga anak niya sa school, tinutulungan niya kami sa kung ano pa ang dapat gawin sa anak niya, ‘yung ganu’n. Nag-uusap kami, parang tao, parang wala naman, ganu’n. We try our best, you know.

“Saka ako rin naman, I don’t want my children to get affected. Na at least magkaroon man sila ng kahit konting normal scene na pag nakikita kaming magkasama, eh at least, maayos naman kaming tao,” sambit pa niya.

Hindi naman itinanggi ni Sunshine na may effort ang dating asawa na maging mabuting ama sa kanilang mga anak.

“Ibigay na natin sa kanya ‘yun. Okey naman siya bilang ama ng mga bata.”

Eh, ano ba ang natutunan niya sa kanyang pinagdaanan na gusto niyang i-share sa tao?

“Actually, honestly, there are a lot of things that I could have done to prevent this, pero wala, eh, nasa tao ‘yan. Nasa sa inyo rin ho ‘yan. I’m just not the type of person na magtitiis, na alam mong niloko ka, tinarantado ka, and you’ll just give in and say, ‘okay, they will probably change.’ It’s unfortunate that I’m not that type of person.

“Ang mali sa akin ay mali. Siguro, sa mga tao diyan, sa mga babae, please be contented. Kung kasal na kayo, may anak kayo, be content. Hindi excuse ‘yun na may pinagdadaanan kayo to ruin someone else’s family.

“Ultimately, there are children who get affected by this. ‘Yun ang pinakamasakit sa akin, eh. My children are broken, my children have been tarnished by this just because one girl out there thinks that she is privileged enough to get whoever she wants even though she is married and my husband is also married.

“Sana, ma-realize n’yo ‘yan na maraming pamilyang nasisira, maraming bata… Sana ma-realize n’yo ‘yan,” pagtatapos ng aktres