• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe’s Panama, Portugal, Paraguay give messages for Filipino fans

Miss Universe’s Panama, Portugal, Paraguay give messages for Filipino fans

Miss Universe candidates from Panama, Portugal, Paraguay have messages for Filipino pageant fans.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/17/2017 9:54 AM
Miss Universe’s Panama, Portugal, Paraguay give messages for Filipino fans


011717-MissU2_Push.jpgMay Miss Universe fever na sa Pinas. Mas tumaas pa ang kasabikan ng lahat sa isa-isang pagdating ng mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa para sa 65th Miss Universe Pageant.

Kanya-kanyang pagbibigay mensahe sa kanilang fans at mga Pilipino ang beauty queens sa pagsalubong sa kanila ng local media.

Una ng nagbigay mensahe si Keity Drennan, Miss Universe Panama.

"I love you guys. Keep watching me for this beauty pageant, keep watching me. I’m so excited to be here. Big kisses for everyone!"

Mala-question and answer naman ang pambungad na mensahe ni Flavia Brito, Miss Univere Portugal paglabas pa lang ng arrival area.

"I want to show the world that I’m the kind of woman to be Miss Universe!"

Si Miss Universe Paraguay Andrea Melgarejo sa eroplano nag-aral ng crash course ng Filipino language na excited ng mamasyal sa Pilipinas.

"Mahal ko kayo! I’m so excited, I’m so glad. I can’t wait to meet people here in the Philippines!"

Kuwento pa ni Miss Universe Panama alam niyang magiging mainit ang labanan dahil biggest pageant fans ang mga Pilipino.

"I’m so excited to come and having the opportunity to be here for Miss Universe is just so wonderful because I know that all of you guys are the biggest fans."

Si Flavia Brito, Miss Universe Portugal, nagbigay mensahe pa sa future beauty queens na inspirasyon nya rin sa buhay.

"Always believe in your dreams and never give up!"

Sa kanyang sexy figure, mukhang nakakalimutan ni Miss Paraguay ang kanyang diet dahil nasasabik na daw siya sa pagkaing Pinoy.

"The people and the food (laughs)."