Miss Universe candidates go to Boracay and Vigan

Miss Universe candidates try dragon boat rowing, basket weaving, fishnet making

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/17/2017 10:03 AM
Miss Universe candidates go to Boracay and Vigan


011717-MissU.jpgSinumulan ng 86 na delegada ng 65th Miss Universe pageant ang paglilibot sa scenic spots ng Pilipinas.

Ang mga Miss Universe delegates in Boracay galling sa Argentina, Australia, Belize, Chile, Costa Rica, Ecuador, Guyana, Malta, Mexico, Myanmar, Namibia, Nicaragua, Poland, Turkey, US Virgin Islands, and Honduras.

Sabado, January 14, unang-unang pinuntahan ng labing-anim na beauty queens ang mala-paraisiong isla ng Boracay na agad namang sinalubong ng mga kababayan natin doon.

Agad naman sumabak ang mga kandidata sa Dragon Boat rowing na ikina-enjoy ng lahat.

Tinuruan din ang mga kandidata ng traditional na pag-gawa ng hand-woven baskets at fishnet making.

Noong Linggo, January 15, dalawampung Miss Universe delegates naman namasyal sa top tourist destination ng Ilocos Sur. Namasyal ang mga beauty queens sa Baluarte at nag-enjoy sa animal encounter doon kabilang ang albino python, white tiger at marami pang iba.

Ang mga Miss Universe Candidates na dumayo sa Vigan ay galiing sa Philippines, Great Britain, Vietnam, Malaysia, British Virgin Islands. Netherlands, Bulgaria, Thailand, Venezuela, Guatemala, Singapore, Czech Republic, Belgium, Slovak Republic, Nicaragua, USA, Sierra Leone, Cayman Islands, Brazil, and Uruguary.

Nagtapos ang magandang araw na ito sa isang glamorosang Terno Fashion Show sa kilalang kalye ng Vigan ang Calle Crisologo. Dito suot ng mga kandidata ang filipiniana terno na likha ng mahuhusay na pinoy fashion designers.