Film producer Donna Villa dies at age 57

Carlo J Caparas' wife passed away due to cancer.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/17/2017 11:11 PM
Film producer Donna Villa dies at age 57


011417-DonnaVilla_PUSH.jpgPumanaw na sa edad na 57 ang former actress, film and television producer, at asawa ni direk Carlo J Caparas na si Donna Villa dahil sa cancer.

Ayon sa balita ng malalapit na kaibigan nina Donna at Carlo, isinugod ito last January 10 at nai-confine sa UST Hospital si Donna bago ito binawian ng buhay.

Sa social media bumuhos ang pakikiramay ng mga naka trabaho at mga nagmamahal para sa namayapang producer.

Nagmarka sa mundo ng showbiz ang mega couple (Donna and Carlo) sa mga "massacre" films na nagku-kwento ng malagim na sinapit ng ilang napabalitang biktima ng heinous crimes at ipinalabas karamihan sa mga ito noong 90s.

Ilan sa mga ito ay ang "Vizconde Massacre: God Help Us" (1993), "The Myrna Diones Story (Lord Have Mercy)" (1993), "Lipa Massacre: Lord Deliver Us From Evil" (1994) at "Antipolo Massacre: Jesus Save Us!" (1994)

Sa ngayon wala pang detalye kung saan ilalagak ang mga labi ni Donna at kung kailan ito ililibing.