• Home
  • Fresh Scoops
  • Paula Shugart says 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach is a tough act to follow

Paula Shugart says 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach is a tough act to follow

At the Governor's Ball, Miss Universe Organization head Paula Shugart says the next queen have big shoes to fill.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/17/2017 12:30 AM
Paula Shugart says 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach is a tough act to follow


011617-PiaMissU_push.jpgKatatapos lang ng 65th Miss Universe Governor's Ball na naganap sa SMX Mall of Asia. Ito ang nagsilbing welcome party para sa 86 na mga kandidata ng most prestigious pageant sa mundo. 

Mala-Oscar Awards ang entrance sa venue na may mahabang red carpet at may malaking sign na "Mabuhay" pagpasok sa SMX. Isa isang pumasok ang Miss Universe delegates, na naka formal evening gown, at naging highlight ang entrance ni former Ilocos Sur Givernor Chavit Singson, kasama ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach at Miss Universe Organization Head Paula Shugart.

Sa kanyang speech naging highlight sa sinabi ni Shugart ang naging magandang performance ni Pia bilang Miss Universe at malaking challenge ito sa papasahan niya ng korona.

"To all the girls here, you have incredibly big shoes to fill," sabi ni Shugart.

Eksena rin si Miss Universe Italy Sophia Sergio, na hinimatay sa venue pero nagpahinga lamang saglit at agad naman bumalik para maki-salamuha sa mga kasama sa pageant.

Naging extra friendly din si Miss Universe Colombia Andrea Tovar, na nagbigay mensahe para sa ating mga kababayan.

"I love the Philippines. It's the best best place in the world. Everything is special -- the food, energy, to everyone! I love ... many kisses for everyone! Thank you! I hope to win the Miss Universe," masiglang pagbati pa ni Miss Colombia.

Si Pia naman, hindi na makapaghintay na makilala ng personal ang mga kandidata at makipag bonding sa mga ito.

"I hope that they enjoy their time, I can't wait to meet them and hear their stories, and hear what their experience has been like since they've been here. And I look forward to make more friends, actually now that I'm here," sabi ng beauty queen. 

Sa kanyang speech, sinabi pa ni Pia na ang 65th Miss Universe ang pagsasama ng dalawang bagay na mahalaga sa  buhay niya.

"Two of my most favorite things are coming together, two things that I love, the Philippines and Miss Universe coming together on January 30."

Dito rin una inawit ni Jona ang "Confidently Beautiful" na official theme song ng 65th Miss Universe pageant. 


Photo Credit: @PiaWurtzbachPage on Facebook