Jona will sing the 65th Miss Universe official theme song

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/16/2017 11:01 AM
Jona will sing the 65th Miss Universe official  theme song


011617-Jona_push.jpgAll smiles ang singer na si Jona nang nakapanayam ito ng PUSH sa Foundation Day ng Navotas City kung saan isa siya sa mga panauhin para umawit sa lungsod.

Dito kinumpirma din ni Jona na siya ang opisyal na aawit ng official theme song para sa gaganaping Miss Universe pageant sa bansa sa January 30 sa Mall of Asia Arena.

Kakantahin ni Jona ng live ang official theme song na may title na “Confidently Beautiful” na likha ng composer na si Kiko Salazar.

"Yes kakantahin ko po siya sa Governor’s Ball sa welcome dinner, ang title po ng song ay ‘Confidently Beautiful’ na talagang kinuha po kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach and siyempre pino- promote po nito ang confidently beautiful na mga candidates ngayon and yung kagandahan din ng Pilipinas," sabi pa ni Jona.

Naibahagi din niya kung papano niya nakuha ang pagkakataon upang kantahin ang theme song ng Miss U.  Personal choice daw siya ng tumatayong creative head ng pagdiriwang na si Jonas Gaffud nang mapanuod siya nito sa kanyang concert noong nakaraang taon.

"Actually kung nag-concert po ako last year sa Kia Theater, nakapanuod po ata don si Sir Jonas Gaffud. From there, binalitaan po ako na ako nga daw po yung napili para kumanta ng theme song," kuwento ni Jona.

Sabi pa ni Jona ready na din daw ang kanyang modern terno na outfit para sa gabing iyon kung saan maririnig ng buong universe ang kanyang boses.

"Siyempre overwhelming po, kasi once in a lifetime experience po para po sa atin," pagtatapos ni Jona