• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola shares why she’s a big fan of “Ang Babae sa Septic Tank”

Jessy Mendiola shares why she’s a big fan of “Ang Babae sa Septic Tank”

The actress admits it was an honor to work with director Chris Martinez in his new movie.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

1/16/2017 11:54 AM
Jessy Mendiola shares why she’s a big fan of “Ang Babae sa Septic Tank”


011617-Jesy.jpgIn her latest Star Cinema project “Extra Service,” Jessy Mendiola admitted that her role as a massage therapist by day and secret agent at night was a real treat.

"Matalino si Gee pero may pagka-bobo rin siya (laughs). Maiintindihan niyo ako pag napanuod niyo yung movie kasi di ba may mga ganun? Sobrang talino pag dating sa mga bagay bagay pero sa street-wise hindi talaga. Hacker ako kaya ako nakulong at naging ex-convict. So si Gee ganun. Matalinong bobo (laughs).

“Actually the first scene na tinake namin was the massase scene tapos meron dun nakabantay na totoong masahista na tinututruan kung ano yung dapat namin gawin,” she recalled.

The actress said she also enjoyed working with her co-stars Arci- Munoz and Coleen Garcia for the very first time on the big screen.

“Si Coleen talaga laging on time yan kaya kami naghihintay kami magpahintay (laughs). Si Mona (palayaw ni Arci) naman talagang kahit mamatay-matay na siya at gumapang na siya sa set, hindi talaga siya magpapatinag. Gagawin niya talaga hangga’t kaya niya ang eksena.

“They’re both very professional and both very kalog. Hindi lang halata pero si Mona sobrang boyish nito, lalaki talaga ito eh (laughs). Tapos si Coleen sobrang chicks eh, mahilig siya mag-share ng beauty secrets like kung bakit mahaba talaga yung lashes niya, yung hair niya, ganyan. Eh ako wala akong arte sa katawan so ginawa ko agad.

“Sa boys naman si Vin (Abrenica) nakatrabaho ko na sa MMK. Si Enzo (Pineda) first time. Si Ejay (Falcon) naman sa MMK din. Professional naman silang lahat at masayang kasama,” she shared.

Jessy also enjoyed working with her “Extra Service” director for the first time.

"Nakakatuwa na sobrang bait ni direk, sobrang patient niya sa aming lahat. Sobrang alam kasi niya kung ano yung gusto niyang mangyari sa mga characters namin. May kanya-kanya talaga kaming identities tapos kapag sa set naamn may mga times na alam niyang pagod na lahat pero nakangiti pa rin siya. Minsan may time na lutang lutang na ako pero pag nakasalubong ko na siya nagtinginan na lang kami tapos tatawa na lang kami kasi yung eksena na ginawa namin sobrang nakakatawa na borderline tanga na (laughs).

“So pagka ganun nakakatuwa kasi yung director mo game eh. Siyempre ikaw mahihiya ka rin at gusto mo din na i-give yung lahat mo kasi siya binibigay niya lahat eh. ibibigay mo rin lahat para mapaganda at mapahusay mo yung buong pelikula,” she explained.

Getting the chance to work with director Chris Martinez was also a big honor for Jessy, who has been following his work.

"Big fan ako ng ‘Babae sa Septic Tank’ alam niyo na kung bakit din dati. Kasi sa ex ko (laughs) kay JM (De Guzman). In-explain ko talaga (laughs). Pero maganda kasi talaga yung pelikula so sino ba naman ang tatanggi sa isang Chris Martinez?” she added.