• Home
  • Fresh Scoops
  • Awra Briguela, strongly supports Miss Universe Philippines bet Maxine Medina

Awra Briguela, strongly supports Miss Universe Philippines bet Maxine Medina

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/16/2017 11:00 AM
Awra Briguela, strongly supports Miss Universe Philippines bet Maxine Medina


011617-Awra_push.jpgSa naganap na Foundation Day ng Navotas City, nakapanayam ng PUSH ang child star na si Awra tungkol sa kanyang mga paboritong Miss Universe candidates na nandito ngayon sa bansa.

Dito naibahagi ni Awra na kahit sa kanyang murang edad naaliw na siya sa mga beauty queens na lagi niyang napapanuod sa TV.

"Yes po super interesado po ako. Siyempre kay Maxine (Medina) po, Philippines e, lalayo pa po ba tayo? Andito na po yung Miss Philippines, dito na tayo," ani ni Awra.

Pagababahagi pa ni Awra, nasasaktan umano siya sa para kay Maxine tuwing binabash ito sa social media ng mga kapwa Pilipino na dapat sumusuporta para dito.

"Nasasaktan po ako kasi Pilipino po tayong lahat, dapat suportahan po natin ang kapwa natin at ang kandidata natin na Pilipino din kasi po para din naman po sa bansa natin ang laban niya," sabi pa ni Awra.

Wala daw  siyang ibang gustong suportahan sa mga kandidata dahil maganda ito at mahusay din daw lumakad.

"Pretty siya and brainy para po sa akin and magaling din po mag walk."

At kung papalarin umano siya, gusto niyang manunuod mismo ng laban ni Maxine para ipakita ang suporta dito.

"Sana kung pwede po gusto ko po sana manuod at gusto ko ako ang mag papasa  ng korona," pagbibirong pagtatapos ni Awra.