Iza Calzado says she wants the title “Horror Empress”

The actress shares her experience working on several horror films.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/16/2017 1:44 AM
Iza Calzado says she wants the title “Horror Empress”


011617-IzaCalzado_push.jpgSa naganap na press conference ng upcoming horror film na “Ilawod” magiliw na naibahagi ng aktres na si Iza Calzado ang kanyang experience sa pag gawa ng mga horror na  pelikula.

Dahil sa sunod-sunod na horror project ni Iza pabiro siyang nababansagan bilang bagong Horror Queen ng Philippine Cinema.  

Aniya sa 15 years niya sa industriya nararapat daw na bigyan na siya ng titulo at pabiro niyang binanggit ang maging “Horror Empress.”

“Pagbigyan niyo na ako 15years na ako eh. Bigyan niyo naman ako ng bagong title pwede na siguro na ‘Horror Empress,’” pagbibiro ni Iza 

Dahil sa positibong pag ganap ni Iza sa mga horror movies kuwento ng aktres hindi niya naisip na magagampanan niya ang mga ito ng tama.

“Pero natuwa talaga ako kasi hindi ko naman inakala na maging iba ang pag tanggap kasi ginagawa ko siya ng drama, hindi ko maintinidihan na parang may something pag siguro na ilawan ako, kapag yung mata ko nga pasok sa horror," kwento niya. 

Nalilinya man sa pananakot, malaki pa din ang pasalamat ni Iza dahil nabiyayaan umano siya ng nakakatakot na mukha na nagdadala sakanya ng mga bagong proyekto gaya ng “Ilawod.” 

"Nakakatakot po ako ‘di ba? Sabi nga nila nakakatakot nga daw talaga ang mga mata ko, expressive. Sabi ko nga gets ko naman na pang horror talaga, pero okay lang sa akin na nakakatakot ako, kasi kung ano man yun nagpapasalamat ako sa Diyos kasi biniyayaan niya ako ng isang nakakatakot na mukha," pagtatapos ni Iza.