• Home
  • Fresh Scoops
  • Garie Concepcion talks about meeting Sharon Cuneta for the first time

Garie Concepcion talks about meeting Sharon Cuneta for the first time

Garie Concepcion excited about Sharon Cuneta and dad Gabby Concepcion’s reunion project

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/15/2017 9:04 AM
Garie Concepcion talks about meeting Sharon Cuneta for the first time


011417-GarieConcepcion_PUSH.jpgMasaya nating nakapanayam ang anak ni Gabby Concepcion at Grace Ibuna na si Garie sa press presentation ng 2nd Wish 107.5 Music Awards kung saan isa siya sa mga nominado para sa duet nila ng kanyang kasintahan na si Michael Pangilinan.

Aktibo ngayon sa musika ang dalaga na nagiging bonding moment nila ng kanyang boyfriend.

Bukod dito nahingi din ang reaksyon ng dalaga sa balitang balik-tambalan ng kanyang ama na si Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta para sa pelikula.

“All-out support po ako kay Papa. Tita Sharon and I have finally met and it was such a good feeling for me. Anything naman po that they want to do, support ako diyan.”

Naibahagi din ni Garie ang kanyang experience ng unang beses makikala ng personal ang Megastar.

“Nag-guest po ako with my sisters, si Cloie and si ate KC. Right after our guesting, it was Tita Sharon already. Nagkasalubong lang po kami sa may dressing room. She was very warm, she was very sweet,” kuwento ni Garie.

Sabi pa ni Garie masayang-masaya siya dahil ayun ang unang beses na nagkita sila ng mommy ng kanyang ate KC.

“Siyempre first time 'yun. I’ve never met her before. Pero it was a very good feeling po. Nung una nga, sinabi niya ‘my girls’ kasi magkakasama si Cloie, ako and si ate. We haven’t sat down yet to talk pero very sweet naman po si Tita Sharon nung nag-meet kami,” pagtatapos na kuwento ni Garie.