• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Goin’ Bulilit star Harvey Gana Bautista to star in horror film for his debut movie

Former Goin’ Bulilit star Harvey Gana Bautista to star in horror film for his debut movie

Harvey Gana Bautista admits he and dad Herbert Bautista talk about possible movie plots.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/15/2017 9:04 AM
Former Goin’ Bulilit star Harvey Gana Bautista to star in horror film for his debut movie


011417-HarveyBautista_PUSH.jpgMagbibida sa unang pagkakataon ang former Goin’ Bulilit star at anak ng actor-politician na si Quezon City Mayor Herbert Bautista at Tates Gana para sa isang horror film na Ilawod.

Masaya at excited ang batang aktor dahil ito ang kanyang unang pagbibidahang pelikula at first horror movie din niya.

"Actually na-surprise po ako kasi I really never imagined na ang magiging first movie ko po ay horror. I'm not that big fan of horror films din, pero masaya ako kasi it went well naman and it's my pleasure to work with amazing actors and actresses."

Kuwento pa ng batang aktor, madalas niyang pinapanuod ang mga pelikula ng kanyang ama na si Herbert dahil ito ang kanyang role model sa buhay at sa pag arte.

"I used to watch my dad and his movies and I compare my acting to him siyempre his acting is better than mine so I watch it over and over so he can be my role model."

Kahit abala sa pagiging linkod bayan ni Herbert, proud pa din si Harvey sa kanyang ama dahil nagkakaroon pa din ito ng oras sa kanila at naisisingit pa ang manuod ng sine.

"He calls me everyday, minsan nagiging bonding namin manuod ng movie mostly mga three to four times a month, that often. When I'm free, I go to his house. We talk about ideas in movies na maybe one day mag-materialize."

 

Bukod sa pag-arte, nasa plano at pangarap din daw ng batang aktor ang ipagpatuloy ito at kumuha ng film degree courses sa ibang bansa upang maging isang direktor pag dating ng panahon.

 

"Maybe one day I'll enter politics to follow my dad's footsteps, or to purse a film degree or courses in NYC kasi I have these weird ideas in my head na pwedeng someday maging movie," pagtatapos ni Harvey.