• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Therese Malvar says she was challenged by sensual scene in “Ilawod”

EXCLUSIVE: Therese Malvar says she was challenged by sensual scene in “Ilawod”

Therese Malvar admits she is happy to be able to work with Kapamilya actors in her movies.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/16/2017 1:31 AM
EXCLUSIVE: Therese Malvar says she was challenged by sensual scene in “Ilawod”


011617-ThereseMalvar_push.jpgVery thankful ang Cinema One Originals at Moscow International Film Festival Best Actress na si Therese Malvar na nabibigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang mga Kapamilya actors sa pelikulang “Hamog” kahit sa GMA-7 siya nakakontrata.

Sa latest film ni Therese na “Ilawod,” mga Kapamilya stars din ang kanyang katrabaho. Kasama niya sa horror film ni Direk Villegas sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Xyriel Manabat at ang dating “Goin’ Bulilit” child actor na si Harvey Bautista.

“Nasanay po ako na laging ibang network yung kasama ko po. Like yung sa ‘Hamog’ po ng Cinema One, puro Kapamilya po – si Zaijan (Jaranilla), lagi po akong pumupunta sa ELJ Building, sa awards night ng Cinema One. Kilala ko rin po yung head ng Cinema One, pero okay naman po. I’m good with both networks,” masayang pahayag ni Therese sa Push.com.ph sa presscon ng “Ilawod,” na showing na on January 18.

Patuloy pa niya tungkol sa pakikipagtrabaho sa mga ABS-CBN stars, “Kasi po, pag nagkakasama naman kami walang difference, eh. Magkakaibigan at parang iisa lang naman po kami.”

Hindi rin naman daw siya pinagbabawalan ng TV network niya na gumawa ng pelikula sa labas.

“With the help of my manager (Tito Ferdinand Lapus), thankfully, co-manage po sila, so kahit anong films na i-accept ni Tito Ferdie para sa akin, gora na! Wala nang explain-explain pa pag nag-accept siya. Sa movies po, very open naman ako, sa shows lang at sa telelserye hindi po, bawal po,” pahayag pa ng magaling na aktres.

 Sa pelikula, ginampanan ni Therese ang karakter ni Isla at ni Ilawod na isang water element. Ayon sa aktres, ang  sensual scene niya as Ilawod kung saan kailangan niyang i-seduce ang karakter ni Harvey ang medyo nahirapan siyang gawin.

“Sobrang nahirapan talaga ako,” buntong hininga niya. “Kasi ibang klase yung pagka-sensual po niya, eh.

“Hindi nga po landi o harot kundi sensual po talaga, as in, para akong matanda pero hindi usual na prosti na maharot. Ito po yung mature na role na every touch has a meaning.”

Mabuti na lang daw at tinulungan siya ni Direk Dan kung paano aatakehin ang role.

“Sinabi niya kung paano, kung paano gumalaw. Hindi po kasi ako graceful, eh. So ipinakita sa akin ni Direk kung paano dapat yung hands ko, ang galing ng hands niya, eh. Pati yung lakad tinuro din po niya sa akin,” sabi pa niya.

Dagdag pa ng dalagita, “Pero minsan po, dahil dark nga yung karakter ko dito sa movie, before take, naiiyak po ako sa karakter ko dahil sa sobrang hirap bilang si Isla at si Ilawod.”

Kahit si Therese ang nasa title role, hindi naman niya iniisip na siya ang bida ng pelikula.

“Ensemble movie po ito. This is a piece of every one of us. Kasi lahat po kami may ginawa na unusual. Lahat po kami ay may karakter talaga na sobrang kailangan sa story,” paliwanag pa niya.