• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Bret Jackson says he and Ella Cruz are meant to be ‘just friends’

EXCLUSIVE: Bret Jackson says he and Ella Cruz are meant to be ‘just friends’

The American actor says he’s happy to work with his ex-girlfriend in the horror flick “Dark Room.”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/16/2017 1:33 AM
EXCLUSIVE: Bret Jackson says he and Ella Cruz are meant to be ‘just friends’


011617-BretJackson_push.jpg Very memorable para kay Bret Jackson ang Cinemalaya Film niyang “Mercury is Mine” kung saan naipakita niyang meron siyang lalim sa pag-arte at na puri ng mga kritko. Since then, hinahanap-hanap na raw niya ang mga ganung klase ng role na magpapakita ng galing niya bilang aktor.

“Gusto ko talaga yung ganu’n, that’s why this year (2017) I’m doing Erik Matti’s ‘Buy Bust’ (with Anne Curtis). I’m doing that this year and I’m also doing a big film that I cant’ say (the title) yet, but it’s another ‘acting showcase film,’” simulang pahayag ni Bret sa Push.com.ph.

“I love doing acting showcase films. I’m not being choosy or whatever, pero mas masarap gumawa ng ganun, eh… to showcase na rin what I can do.

“I love doing things na gusto ko rin ang script. Like itong ‘Dark Room,’ when I read the script I knew I wanted to do it kasi first of its kind ito,” dagdag pahayag pa ni Bret tungkol sa kanyang bagong pelikula.

Ayon kay Bret, kakaibang horror daw ang “Dark Room” dahil ang genre nito ay patterned sa pelikulang “Blairwitch Project” at “Paranormal Activity.”

“It brings a different level of scared or terror to the film kasi the whole time it feels real, not like other horror films na may mga ghost-ghost na parang it’s corny. Itong movie namin, this is real and it’s scary,” kuwento niya.

Inamin din sa Push ni Bret na wala siyang mga ghost stories dahil hindi raw siya natatakot sa multo.

“I believe in ghosts but the thing is I’m not scared of it. Kasi it’s just there. Mas takot ako sa totoong tao kasi they can hurt you, pero yung ghost nandiyan lang sila, nananakot,” sabi pa niya.

When asked about his personal life, ipinagtapat ni Bret na after ng relasyon nila ni Ella Cruz ay hindi na ulit siya nagka-girlfriend.

“As of write now, wala. One year na akong wala, my last was Ella pa.”

Pero wala raw namang narekindle sa kanilang dalawa nu’ng nagsama sila sa “Dark Room.”

“I was really happy seeing Ella and be around her again. One of the reasons we were together, I would always think that she’s a good person, to be around her again was really nice for me.

“Pero I think we know that we’re meant to be friends and I think that’s good. And it’s nice that we had a relationship before, kasi sa screen may chemistry talaga kami,” natatawa niyang pagtatapos.