Cory Quirino ends Miss World PH franchise duties

Julia Morley awards new Miss World Franchise to talent manager Arnold Vegafria.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/16/2017 1:45 AM
Cory Quirino ends Miss World PH franchise duties


011617-CoryQuirino_push.jpg

Nagbitiw na bilang franchise holder ng Miss World Philippines ang former beauty queen na Ms.Cory Quirino   

Sa naunang report ng pahayagang Philippine Daily Inquirer inilahad ng Miss World PH franchise holder nito na nagbitiw siya bilang namumuno dito.

“Thank you for supporting me all these six years, and for being part of our challenges and victories. I will never forget you," sabi ni Cory. 

Aniya ang kanyang desisyon ay "for personal and business reason." 

Sa kanyang personal na text message sa atin mas pagtutuanan na lamang daw niya ngayon ng pansin ang kanyang mga pansariling adbokasiya.

"Time to focus on my advocacies, I fulfilled my mission with Miss World," paliwanag niya. 

Mahirap man ito ngayon pero kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti ng mga susunod na Miss World Philippines.  

"I'm  sad too, it's hard to let go, but I had to weigh my decisions carefully," dagdag pa niya. 

Sabi pa ni Cory Quirino na mapupunta ang franchise nito sa malapit din sa Miss World association na naipakilalala na niya sa organisasyon.

"It will be assigned to someone else, hopefully a friend or associate whom I already introduced to [the Miss World Organization].”

Sa pamumuno ni Cory nasungkit ng Pilipinas ang kauna unahang korona ng Miss World, Naiuwi ito ni Megan Young noong 2013. 

Samantala, kinumpurma naman ng talent manager na si Arnold Vegafria sa kanyang Instagram post na siya na ang bagong franchise holder ng Miss World Philippines