Jim Paredes share his thoughts on Mocha Uson

Jim Paredes also speaks up about dealing with bashers online.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/14/2017 10:21 AM
Jim Paredes share his thoughts on Mocha Uson


011417-JimParedes-PUSH.jpgPresent bilang jury member ang APO Hiking Society band member na si Jim Paredes para sa awards night ng isang independent music awards na ALAB.

Kilala si Jim bilang isa sa mga nagsusulong at nagpapalaganap ng OPM kung kaya masaya siya na mayroon sa bagong henerasyon ang nagpapakita ng interest sa paglikha ng bagong musika.

"I feel great that new blood of musicians are coming in and that people are showing interest in song writing. You know basically naman talaga we are offering something new to the public," ani ni Jim.

Bukod sa pagsulong ng musika, kilala din si Jim sa pagiging outspoken niya sa kanyang social media accounts na may kinalaman issue ng lipunan.

Dahil dito, puntirya din ang beteranong musikero ng mga bashers na sumasalungat sa kanyang opinion. Aniya sanay na siya at hindi niya na lamang ito pinagtutuunan ng pansin.

"I can feel when something is being said in a constructive way or in a way that showing interest. And I can feel at all whether if it's a troll, I don't engage in a conversation. Parang ang feeling ko tiisin mo ako pero ikaw hindi ko titiisin," saad pa ni Jim.

Pero aminado siya na nagkakaroon din ng pagkakataon na hindi niya napipigilan ang hindi patulan ang mga bashers.

"Kung minsan pumapatol ako and I'm proud to say that sometimes the most negative people when you answer them in a rational and a polite way, you lead them to a discussion or pumupunta sila sa tamang place na kung saan sila pwede mag usap and nawawala yung hostility," paliwanag pa niya.

Dahil sa kilalang pagiging aktibo at outspoken ni Jim sa kanyang mga social media posts, naitanong din sa kanya kung nagkaroon naba sila ng chance na magkita ng bagong talagang MTRCB chair na si Mocha Uson.

"I met her way before, I even interviewed her a long, long time [ago]. Well she is Mocha Uson and she will do what she will do. Obviously we are on the opposing side and I can say she is wrong and she can say I'm wrong but that doesn't amount to anything. But ako, ang feeling ko you come really from your own truth," pagtatapos niyang pahayag.