• Home
  • Fresh Scoops
  • Daiana Menezes answers allegations that she’s a gold digger

Daiana Menezes answers allegations that she’s a gold digger

Daiana Menezes says she will keep her love life more private from now on.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/14/2017 10:03 AM
Daiana Menezes answers allegations that she’s a gold digger


011417-DianaMeneses1.jpgTen years na sa Pilipinas ang Brazilian model-actress na si Daiana Menezes and so far, masaya daw naman siya sa naging takbo ng career niya bilang host. In fact, ayon mismo sa kanya, nalibot na niya ang tatlong TV networks—GMA-7, ABS-CBN at TV5.

“Kapag hindi ako kontento sa trabaho ko, talagang ako mismo ang lumalabas. That’s why, minsan masasabi nila, ‘Uy, laos yan, ay wala na yan,’ pero hindi ko nakikita yon, it’s because I’m not happy (sa work ko).

“Kapag happy ako sa trabaho ko, mag-i-stay ako. I’m not being cocky about it pero wala akong naging problema sa mga co-workers ko ever in my life, so never nila akong… ‘Oh, i-fire natin si Daiana,’ never nangyari sa akin yon.

“Every time na nawawala ako sa isang bagay it’s because talagang ako ang umalis, because I want to do things that I love… sa lahat, pati love life,” paliwanag niya.

Nakausap ng Push.com.ph si Daiana sa presscon ng The Fiercest Of Them All na isang modeling reality show which will start airing in March sa GMA News TV.

With regards to her love life, ibinahagi rin ni Daiana na annulled na ang marriage niya kay Cagayan de Oro Rep. Jose Benjamin “Benjo” Benaldo na naging mag-asawa din for almost three years. Na-grant daw ang annulment nu’ng November of 2016.

“Yes, I was granted a divorce and I am very happy about it. The divorce was granted November but I have been single for two years,” balita ng model-actress.

Ayon pa sa kanya, nu’ng nalaman niyang annulled na siya, “I feel relieved… alam mo yung parang… actually, you know may mga bagay na nangyayari sa buhay natin na lesson lang yon, I don’t regret anything.

“Siguro I regret the fact na ang tagal bago ako nauntog… alam mo yon? It took me so long to actually make the decision. I should have done it before, but I don’t regret because if I didn’t do it or if I did it, maybe I wouldn’t be here right now.

“Gets mo yung point ko? Kasi dinaanan ko na rin yon, eh, part ng buhay natin yon, eh. But after nu’ng nangyari yon, ang dami kong blessings. I started working again and then here I am,” paliwanag di Daiana.

Nakikipag-date na ba siya ngayon o nagpapaligaw na pagkatapos maging legally single?

“Oo naman. Siyempre, tao pa rin ako. Siyempre I need to have someone. Pero natuto rin ako ba dapat… kasi madaldal ako, eh, saka honest ako at prangka ako. Pero now, I learned to keep my mouth shut when it comes to that. So I won’t be as open tungkol sa love life ko. Isa yon sa lessons na natutunan ko,” pahayag ni Daiana na parang tunay na Pinay kung makapag-Tagalog.

Sa next question namin kay Daiana kung anong reaksyon niya kapag sinasabi ng iba na she’s a gold digger, wala ring preno ang sagot ng host-model.

“Legally, I’m not really allowed to talk about it because my lawyer’s going to kill me if I say something pero I will just say one thing. I’ve been always independent ever since I moved to the Philippines. Nobody has every paid for my bills, that’s all I can say.

“Now, nasa tao yon kung ite-take advantage nila. Basta kung mahal kita, I will do everything for you, I’ll buy you house, that’s me, okey. I’ll take care of you, that’s it. But I don’t put it myself na I’m a man or a woman… I’m a person, if I love you, I’ll take care of you. Nobody has ever paid a penny for my bill,” sagot sa amin ni Daiana na pinalakpakan naman ng entertainment press.

Pahabol pa niya, “You know, I get really hurt when I read article that says na, ‘Oh, she’s dating si ganito o si ganyan kasi may pera. Sori ha, magmumura ako, ‘Tang ___ hindi yon totoo!”

Ganyan katapang ang mga naging pahayag ni Daiana, pero ayon sa kanya, mas matatapat ang 12 female models na kasali sa The Fiercest Of Them All kaya dapat daw abangan ng televiewers kung paano sila magbabanggaan sa reality show.

Main photo credit to daianamenezes_IG