• Home
  • Fresh Scoops
  • McNeal ‘Awra’ Briguela looks forward to meeting Daniel Padilla for YFSF

McNeal ‘Awra’ Briguela looks forward to meeting Daniel Padilla for YFSF

McNeal ‘Awra’ Briguela says copying Daniel Padilla will be a big challenge.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/13/2017 9:55 AM
McNeal ‘Awra’ Briguela looks forward to meeting Daniel Padilla for YFSF


011317-Awra_PUSH.jpgTinutukan nitong nakaraang weekend ang bagong edisyon ng Your Face Sounds Familiar kids kung saan nagpasiklaban ang walong kid contenders nito.

Napabilib ang mga hurado sa naging performance ng mga contestants nito kung saan ginaya nila ang iba't ibang personalities gaya nila Beyoncé, Bruno Mars, Selena Gomez Katy Perry, Michael Jackson, Harry Styles, at si Mommy Dionisia Pacquiao.

Stand out ang naging performance ni McNeal “Awra” Briguela na nagtala ng pinakamataas na points mula sa mga hurado ng programa.

Sa panayam na nito ng Push.com kay Awra sa naganap na thanksgiving party ng The Super Parental Guardians kung saan siya kabilang, ibinahagi ni Awra ang kanyang naramdaman sa pagkapanalo sa first week ng YFSF kids.

"Sobrang saya ko po kasi hindi ko po alam na kaya ko pong gawin yung gayahin si Mommy Dionisia, pero okay naman po kasi marami po ang tumututok at sumuporta po sa akin," kuwento ni Awra.

Aniya humingi daw siya mismo ng tips and advice kay Mommy Dionisia at kay Melai Cantiveros na madalas na gumagaya dito.

"Humingi po ako ng tips kay Mommy Dionisia, kay momshie Karla Estrada, Momshie Melai."

Kuwento pa ni Awra inabot siya ng humigit dalawang oras sa pag kakabit ng makeup and prosthetics upang i-achieve ang look ng kanyang ginagaya.

"Yung pinaka-mahirap po yung pagkabit (prosthetic) tumagal po ng mga 1 hour and 45 minutes matagal po lalo na nung tinatanggal po sobrang tagal din," kuwento pa niya.

Hindi rin daw niya inasahan na siya ang makakakuha ng mataas na puntos mula sa mga hurado dahil sadyang magagaling din ang kanyang mga kasabayan.

"Hindi po kasi yung mga kalaban ko sobrang galing sila Ella at si Lyka. Natatakot po ako lahat po sila mga champion sa The Voice Kids kaya kinakabahan talaga ako, kaya dinaan ko po sa comedy ang sa akin."

Ngayong Linggo extra challenge din daw para kay Awra ang nabunot niyang look na gagayahin kung saan ang Teen king Daniel Padilla ang kanyang gagayahin.

"Mas mahirap po kasi sobrang layo ng personality po niya sa akin lalaking-lalaki kaya sobrang challenge po para sa akin yun," sabi pa niya.

Susubukan din daw ni Awra ang humingi ng tips and advice mismo sa teen king upang magampanan ng tama ang kanyang gagayhin.

"Tignan ko po kung makahingi po ako ng oras po kay momshie Karla kasi anak niya si DJ."

Sa huli, inaasahan ulit ni Awra ang patuloy na pagsuporta sa kanya at sa iba pang contestant sa YFSF.

"Oo nga po kaya sana po tuloy-tuloy lang po ang pagtutok nating lahat sa YFSF Kids and sana po ‘wag po sana mataas ang expectation sa akin kahit ano po mangyari gagawin ko pa din po ang best ko," pagtatapos ni Awra.