• Home
  • Fresh Scoops
  • Joven Tan wants to direct Mommy Dionisia Pacquiao for her launching film

Joven Tan wants to direct Mommy Dionisia Pacquiao for her launching film

Joven Tan has already directed Mommy Dionisia Pacquiao in ‘Tatlong Bibe’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/13/2017 9:52 AM
Joven Tan wants to direct Mommy Dionisia Pacquiao for her launching film


011317-MommyD_PUSH.jpgMay bagong pelikula ang nanay ni boxing champ Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia na kilala rin as Mommy D. Siya ang kapareha ni Eddie Garcia sa family drama movie na Tatlong Bibe na prinodyus ng Regis Films and Entertainment. Ang pelikula ay sinulat at idinirek ni Joven Tan.

Ayon sa songwriter/director, madaling kausap si Mommy D. at napapayag niya agad ito na maging part ng Tatlong Bibe.

“Mabait siya at madaling kausap. Pero hindi siya comedy dito sa pelikula. Nagdrama siya at nakipagsabayan kay Eddie,” kuwento ng director.

“Akala ko nga hindi niya gagawin kasi sanay tayo sa kanya na nakikita siyang nagko-comedy… do’n siya effortless, eh. Kahit hindi na niya iarte, nakakatawa na talaga siya. Kaya medyo na-challenge ako na pagdramahin siya dito, pero okey naman. Nakapag-delliver naman si Mommy D,” dagdag pa ni Direk Joven.

Asawa ni Eddie at kapitbahay ng mga bidang bata sa Tatlong Bibe na sina Raikko Mateo, Marco Masa at Lyka Gairanod ang role ni Mommy D sa pelikula.

“Wala rin siyang arte sa set. May bodyguards, oo, pero hindi paimportante. Minsan, kasama niya ang boyfriend niya sa syuting,” sey pa ng director.

Ibinalita rin ng director na sinusulat na niya ngayon ang script para sa launching movie ni Mommy D.

“Gusto siyang bigyan ng solo movie ng Regis Films and Entertainment, producer din nitong Tatlong Bibe. Ang gusto nila yung babagay talaga sa personality ni Mommy D kaya yung naisip ko, alam kong swak naman sa kanya.

“May concept na ako, isang fantasy-comedy. Ang tentative title niya ay Lady D and the Wonder Bra. Sa movie, nagta-transform si Mommy D tuwing sinusuot niya ang wonder bra. Nag-iiba rin ang mukha niya pero yung boses niya, ganu’n pa rin,” excited niyang kuwento.

Well, mukhang interesting nga at nakakatawa. Pero kahit buo na ang concept ay hindi pa raw nila ito naipapaalam kay Mommy D.

“Hindi pa namin nasasabi kay Mommy D. Baka pagpunta na lang niya ng Manila sa premiere night namin sa February 13, do’n namin siya kakausapin. Sana magustuhan niya at ma-excite din siya,” sambit pa ng director.