• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion on issue linking him to Jessy Mendiola: 'Asawa ko nga hindi ako tinatanong e'

Ian Veneracion on issue linking him to Jessy Mendiola: 'Asawa ko nga hindi ako tinatanong e'

Ian Veneracion says he doesn't have to explain anything to anyone.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/13/2017 11:10 AM
Ian Veneracion on issue linking him to Jessy Mendiola: 'Asawa ko nga hindi ako tinatanong e'


011317-IanVeneracion_PUSH.jpgSa press conference ng upcoming horror film na "Ilawod" ng aktor na si Ian Veneracion, direchong sinagot ng aktor ang mga katanungan ng entertainment press sa kanya tungkol sa issue umano sa kanila ng sexy actress na si Jessy Mendiola.

Mainit na pinagusapan kamakailan ang paglilink sa dalawa na naka apekto pa daw umano sa kanilang mga personal na buhay.

"Hindi ko alam, hindi naman kami naging magktrabaho or anything siguro sa showbiz mas importante ang juice factor kaysa sa factual basis," panimula ng aktor.

Paglilinaw pa ni Ian sa mga naglabasang malisyosong balita sa kanyang buhay may asawa, hindi daw naka apekto ang tsismis na ito sa kanyang married life.

"Sanay na din naman ako diyan. Lumaki na ako sa showbiz and kung asawa ko nga hindi ako tinatanong parang I don't feel answerable to anyone 'pag tinatanong ako, Asawa ko nga hindi ako tinatanong e. Kasi walang issue sa amin."

Dagdag pa ng aktor hindi din nila pinag usapan ito ng kanyang asawa kung kaya wala siyang dapat ipaliwanag sa iba.

"Wala I didn't have to handle anything kasi nga walang issue, siguro kung magiging issue yun kung may issue sa wife ko, Pero since walang issue sa wife ko e di wala," pagtatapos ng aktor.