• Home
  • Fresh Scoops
  • Directors of “The Greatest Love” share the challenges in making a series about Alzheimer’s disease

Directors of “The Greatest Love” share the challenges in making a series about Alzheimer’s disease

Many viewers were moved by the series’ recent episodes.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

1/13/2017 10:10 AM
Directors of “The Greatest Love” share the challenges in making a series about Alzheimer’s disease


011317-TGL_PUSH.jpgUmani naman ng papuri ang The Greatest Love  mula sa mga manonood dahil sa kanilang episode na “Deep Impact” kung saan itinalakay ang sakit na Alzheimer’s disease, karaniwang sakit ng mga matatanda.

Sa panayam kina director Mervyn Brondial at Paco Sta. Maria, ibinahagi nila ang naging challenge sa paggawa ng ganitong uri ng teleserye.

“Yung challenge sa mga ganito is how to relay that message and yet may heart siya, na may istorya na makaka-relate sila, and very factual dapat siya. Kailangan ma-relay mo yung message, maintindihan ng tao kung ano yung advocacy natin, yet at the same time, madala sila sa istorya natin, story about family and everything,” ani direk Paco.

Para kay direk Mervyn, ang “clinical part” daw ang mahirap.

“Medyo tawagin nating yung totoong nangyayari, yung parang data na kailangan ipakita mong tama. Kasi may masabi kang mali, may maipakita kang mali malamang mag-react yung mga taong involve.”

Ang nagustuhan naman ni direk Paco sa paggawa ng teleseryeng ito ay dahil may advocacy at may naiimpart na kaalaman sa mga manonood.

Dahil parehong lalaki ang direktor ng teleserye, sinabi rin nila kung ano marahil ang advantage nito sa pag-lead ng isang heavy drama na programa sa TV.

“Ang pagkakapareho namin ni Direk Mervin ay yung foundation ng pamilya. Ako proud ako to say I’m a mama’s boy. My parents always told me the value of family, na lahat magugunaw, lahat mawawala pero ang family mo, nandiyan ang pag-ibig ng pamilya mo lalo na ang nanay. Kaya kahit lalaki yung atake (sa direksyon) andoon yung puso namin na malambot sa nanay namin,” paliwanag ni direk Paco.  

Nagpasalamat naman si Sylvia Sanchez na gumanap bilang Gloria sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood sa The Greatest Love.

For more updates, visit TheGreatestLove.ABS-CBN.com.