65th edisyon ng Miss Universe Beauty pageant ang magaganap dito sa Pilipinas ngayong Enero 30.
Sa higit anim na dekada ng pinaka-prestigious at sikat na beauty search sa mundo, ano nga ba ang mga bansa na may pinakamaraming naiuwing Miss Universe crowns?
Nangunguna sa listahan ang United States of America na mayroon ng walong Miss Universe na nakuha sa mga taong 2012—Olivia Culpo; 1997—Brook Lee; 1995—Chelsi Smith; 1980—Shawn Weatherly; 1967—Sylvia Hitchcock; 1960—Linda Bement; 1956—Carol Morris; 1954—Miriam Stevenson
Pangalawa sa listahan ang Venezuela na binansagan na "powerhouse of beauty" ng Latin America na mayroong pitong panalo. Nakuha nila ang korona sa mga taong 2013—Gabriela Isler; 2009—Stefania Fernandez; 2008—Dayana Mendoza; 1996—Alicia Machado; 1986—Barbara Palacios; 1981—Irene Saez; 1979—Maritza Sayalero
Venezuela rin ang may hawak ng back-to-back wins nina Dayana Mendoza 2008 at Stefania Fernandez 2009
Pangatlo naman ang Puerto Rico na may limang Miss Universe winners na nanalo noong 2006—Zuleyka Rivera; 2001—Denise Quinones; 1993—Dayanara Torres; 1985—Deborah Cathy Deu; 1970—Marisol Malaret
Tabla sa ika-apat na pwesto ang Sweden at Pilipinas na parehong may tatlong panalo. Ang bansang Sweden ay nag-uwi ng korona noong 1984—Yvonne Ryding; 1966—Margareta Arvidsson; 1955—Hillevi Romblon
Samantalang ang Philippines ay nanalo naman sa mga taong 2015—Pia Wurtzbach; 1973—Margarita Moran; 1969—Gloria Diaz
Magkakatabla naman sa ika-limang pwesto ang mga bansang Brazil; Colombia; Finland; Australia; Japan; India; Canada; Mexico; Trinidad and Tobago; at Thailand na may tig-dalawang panalo
BRAZIL :
1968—Martha Vasconcellos
1963—Leda Maria Vargas
COLOMBIA:
2014—Paulina Vega
1958—Marina Zuniga
FINLAND:
1975—Anne Marie Pohtamo
1952—Armi Kuusela
AUSTRALIA :
2004—Jennifer Hawkins
1972—Kerry Anne Wells
JAPAN :
2007—Riyo Mori
1959—Akiko Kojima
INDIA:
2000—Lara Dutta
1994—Sushmita Sen
CANADA:
2005—Natalia Glebova
1982—Karen Dianne Baldwin
MEXICO:
2010—Ximena Navarrete
1991—Lupita Jones
Trinidad and Tobago:
1998—Wendy Fitzwilliam
1977—Janelle Commissiong
Thailand :
1989—Porntip Nakhirunkanok
1965—Apasra Hingsakula
Sa January 30, kokoronahan na ang 65th winner ng Miss Universe beauty pageant na magaganap sa MOA arena