• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano on starting a relationship with Enrique Gil: ‘when the right time comes’

Liza Soberano on starting a relationship with Enrique Gil: ‘when the right time comes’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/12/2017 10:36 AM
Liza Soberano on starting a relationship with Enrique Gil: ‘when the right time comes’


011217-LizQuen_PUSH.jpgMasayang ipinagdiwang ng teen actress na si Liza Soberano ang kanyang 19th birthday kasama ang kanyang malalapit na kaibigan at ka anak.

Dito naibahagi ng aktres ang tunay na estado ng kanilang relasyon ng kanyang on screen tandem partner na si Enrique Gil na open sa usaping panliligaw niya sa dalaga.

Pero para kay Liza, na-appreciate niya ang ginagawang effort ni Enrique na labis niyang ikinasasaya.

"I always say that Quen is really special to me. He's one of the reasons why I'm where I am now and he never fails to amaze me and surprise me in his own ways."

READ:Enrique Gil on status with Liza Soberano: ‘Parang kami na’ 

Kuwento pa ni Liza espesyal sa kanya ang binata kung kaya masaya siya kung ano ang mayroon sila ngayon at nang itanong sa kanya kung may chance na maging sila talaga, ang sagot niya, "Yeah...but when the right time comes, yes maghintay siya."

Kamakailan naging usap-usapan din ang regalo ng binata sa kanya na isang mamahaling bag na labis niyang ikinatuwa dahil sa matagal na niyang hinahanap ito.

"Oo nga po kaya na-touch po talaga ako kasi mahirap talaga siya hanapin. I haven't looked for it kasi I know the fact na wala ang ganung style, then he gave it before I left for my birthday papuntang Japan kasi nga alam niya hindi siya makakasama so he wanted me it to use it for my birthday."

Labis umano ang saya niya at naiyak pa daw siya ng ibigay ito sa kanya dahil panahon pa lamang daw ng teleserye nilang Dolce Amore ay plano na niya itong bilhin para sa sarili.

"I cried. Naiiyak ako kasi hindi din ako sanay na nireregaluhan ako ng ganun e and I was really touched," pahayag ng dalaga.

Nagpasalamat din si Liza sa mga solid supporters niya na bumoto at nagluklok sa kanya sa second spot sa TC Candler Most beautiful faces in the world.

Aniya hindi daw niya nararamdaman na maganda siya at awkward daw para sa kanya pag sinasabihan siyang maganda pero labis pa din ang pasasalamat niya para sa mga sumusuporta sa kanya.

"I don't know, I don't feel it, I don't know why. I feel awkward when people tell me that but I'm really thankful I know that my solid supporters voted for me to get in to that position so I owe it to them," pagtatapos ni Liza.