Who are the Pinoys who have been Miss Universe judges?

PUSH lists down the Pinoys who have sat down on the Miss Universe panel of judges.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/11/2017 10:50 AM
Who are the Pinoys who have been Miss Universe judges?


01117MissUniverseJudges-PUSH.jpgAnim na mga Filipino na ang umupo sa prestigious board of judges ng Miss Universe pageant.

Nauna na ang dalawang kababayan natin na umupo bilang mga hurado sa 1974 edition ng Miss Universe na unang beses na pagho host ng Pilipinas sa timpalak kagandahan. Magkasama sa judges table ang first Asian to Head the United Nations General Assembly na si Carlos P Romulo at ang 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz. Ang delegada mula na Spain na si Amparo Munoz ang kinoronahan bilang Miss Universe ng taong ito.

1989 naman ng mapabilang sa judges list ang Pinay International Designer na si Josie Natori sa pageant na naganap sa Mexico.

Ang pop diva na si Kuh Ledesma naman, sa 1991 edition ng pageant naging judge.

Sa ikalawang Miss Universe pageant na ginanap sa Pilipinas noong 1994, judge naman ang business tycoon na si Emilio Yap kung saan kinoronahan ang Miss India na si Sushmita Sen.

2011 sa Sao Paolo, Brazil, naging hurado ang Broadway Diva na si Lea Salonga. At pinaka latest ang World Boxing Champ na si Manny Pacquiao sa Miss Universe 2014.