Maxine Medina remains positive about Miss Universe chances

Maxine Medina admits she has ‘stalked’ some of the Miss Universe candidates on social media.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/11/2017 10:44 AM
Maxine Medina remains positive about Miss Universe chances


01117MaxineMedina-PUSH.jpgPositive thinking si Maxine Medina na ang pambato ng Pilipinas sa nalalapit na Miss Universe pageant na magaganap sa bansa sa January 30 sa Mall of Asia Arena.

Sa naganap na traditional send-off party ng Binibining Pilipinas para kay Maxine, handang-handa na umano ang kandidata sa mga gagawing pasabog para sa pageant.

"Sa totoo lang pansin na pansin na ako kasi dito sa Pilipinas gagawin. I have to be honest let's give them a chance... a little bit," pabirong pahayag ni Maxine.

Kuwento pa Maxine na tinitignan niya ang mga kandidata sa mga social media post nito tungkol sa mga paghahanda ng mga makaka tunggaling kandidata.

"Abangan nalang siguro natin. Nakita ko na pero tignan nalang siguro natin. Lagi kasi ako nag-stalk sa Instagram, Facebook and I even hear them speak so yeah I'm prepared."

Pinasalamatan din niya ang mga pageant group at pageant fans na nagbibigay ng positive fearless forecast para sa kanya at nakaka-appreciate ng kanyang hard work sa training.

"Thank you. Siguro masyado na akong focused sa training ko and hindi ko na na notice itong mga ito pero maraming salamat sa suporta."

Nanawagan din si Maxine sa mga supporters na maging patas at maging malumanay lang sa mga pagbibigay komento para sa ibang kandidata dahil sa huli judges’ score pa rin ang mananaig.

"Let's all be equal and let’s all wait for the pageant. Nakadepende naman din lahat sa scores e. Dun naman natin makita ang kakayahan ng mga babae, lahat ng co-candidates ko, kaya sana po sa pageant na tayo magpasabog," sabi pa ng dalaga.

"Hindi naman talaga natin maiaalis yun kasi lahat ng Pinoy is rooting for a back to back and they are expecting a lot. Siguro let’s make it light para pagdating mismo ng pageant okay tayo lahat," saad pa ni Maxine.

Samantala positibo din ang naging pananaw ng kandidata tungkol sa issue umano ng pag-train ng kanyang trainor na si Jonas Gaffud sa ibang kandidata. Na-train din ni Jonas si Miss Universe Indonesia na si Kezia Waruow.

READ:Jonas Gaffud speaks about why he trains beauty pageant contestants from other countries

"Yes, it's okay. Because all of us Filipinos are globally competitive. It is somehow their part of proving themselves na we can do globally," pagtatapos ng dalaga.