Liza Soberano gets a surprise birthday party

Liza Soberano happy with her Harry Potter-themed surprise party.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/11/2017 10:30 AM
Liza Soberano gets a surprise birthday party


01117-LizaSoberano-PUSH.jpgBinigyan ng isang surprise party ng malalapit na kaibigan, kamag-anak, at kasamahan sa Star Magic ang teen actress na si Liza Soberano para sa kanyang 19th Birthday.

Harry Potter ang naging theme ng party na ikinatuwa ng celebrator na isang fan ng Harry Potter novels.

"Nakakatuwa. First time ko na-surprise, akala ko talaga hindi na ako magkaka-party," ani ng dalaga.

Certified nerd din daw siya dahil sa paghanga sa mga nobela ng Harry Potter.

"Yes po simula po noon pa po. Nasimulan ko po lahat. I read all the books and I watched all the movies."

Bukod dito, naitanong din sa dalaga kung kamusta ang kanyang naging celebration ng holiday kasama ang kanyang pamilya.

"For Christmas, I spend it at home lang with family. Then after that, we went to Enrique’s (Gil) beach house. We spent time with his family naman. For the New year, we just stayed at the house as well then New Year's Day ng gabi (January 1) to the airport na kami to Japan to celebrate my birthday."

Sabi pa ni Liza, kasama nila dapat si Enrique Gil ngunit hindi na proseso ang visa nito sa Japan. Ganun pa man tumuloy padin siya kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Quen was supposed to be with us pero hindi na process yung visa niya… Sayang, natuloy pa din naman kasi nakabili na kami ng tickets and everything for Disney and Universal. Sayang naman kung hindi namin pupuntahan," sabi pa ng dalaga.

Masaya at kuntento din daw si Liza sa lahat ng mga natatnggap niyang blessings sa ngayon kung kaya ang birthday wish niya ay para na lamang sa kanyang pamilya na tumatayong kanyang inspirasyon sa buhay.

"I usually wish for others not for myself because I don't know. I think I already have all that I need so I know that God is really taking care of everything for me. So I would wish for other people naman, my family, my close friends for all the people who helped me [get to] where I am," pagtatapos ni Liza.