• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinay beauty queens have a good track record in the Miss Universe pageant

Pinay beauty queens have a good track record in the Miss Universe pageant

How Pinay beauty queens have fared in the 64 years of Miss Universe.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/10/2017 9:56 AM
Pinay beauty queens have a good track record in the Miss Universe pageant


011017-MissU_PUSH.jpgMarkado ang ganda at talino ng Pinay sa nakaraang 64 na taon ng Miss Universe pageant. Tatlong beses na natin naiuwi ang korona na pinangunahan ni Gloria Diaz noong 1969 sa Long Beach, California, USA; Margarita Moran noong 1973 sa Athens, Greece; at 2015 kay Pia Wurtzbach sa Las Vegas, USA.

Nabitin ang Pinoy pageant fanatics sa dalawang kandidata na nag first runner-up na sina Miriam Quiambao (1999) at Janine Tugonon (2012)

Limang Pinay beauties ang nakarating sa Third Runner up position na sina: Lalaine Bennett (1963); Maria Desiree Verdadero (1984); Maria Rosario Chat Silayan (1987); Shamcey Supsup (2011); At Ariella Arida (2013)

Nasa Fourth Runner Up naman sina Rose Mari Brosas (1975) at Venus Raj (2010)

Pasok naman sa semi finals ang pitong Niss Universe Philippines na sina: Blesilda Ocampo, 1954 Louis Veil Aurelio, 1965 Maria Clarinda Soriano, 1966 Armie Barbara Grespo, 1972 Guadalupe Sanchez, 1974 Geraldine Asis, 1987 at Mary Jean Lastimosa, 2014

Sa 1994 edition ng Miss Universe na naganap dito sa Pilipinas, Top Six finish si Charlene Gonzales at panalo rin ng Best In National Costume

Paborito rin ang Pinay representatives ng Miss Universe sa MISS PHOTOGENIC AWARD na nakuha natin sa mga taong 1971; 1973; 1996; 1997; 2005; 2006; 2007.

Sa January 30, muli magkaka alaman kung sino nga ba ang pinaka-maganda sa buong Universe sa 65th Edition ng Miss Universe Pageant na magaganap ang coronation program sa MOA Arena