• Home
  • Fresh Scoops
  • Nicole Cordoves asks for support for Maxine Medina in the Miss Universe pageant

Nicole Cordoves asks for support for Maxine Medina in the Miss Universe pageant

Nicole Cordoves says Maxine Medina is a very generous person.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/10/2017 9:47 AM
Nicole Cordoves asks for support for Maxine Medina in the Miss Universe pageant


011017-NicoleCordoves_PUSH.jpgAll-out support ang malalapit na kaibigan at kaanak ni Miss Universe Philippines bet Maria Maxine Medina para sa nalalapit niyang laban para sa 2016 Miss Universe pageant sa January 30, Mall of Asia Arena.

Proud din ang isa sa malalapit kay Maxine na kanyang kapwa beauty queen na si Nicole Cordoves na lumaban naman para Miss Grand International noon nakaraang taon .

"I want you to know that I'm really, really proud of you already kasi simula palang ng magkakilala tayo sa Bb Pilipinas you're already such a perfect, kind-hearted person and ngayon gumanda ka pa lalo so panalo ka na agad for me and sa heart din ng lahat ng Pinoy. So be your best self," kuwento ni Nicole.

Inilarawan din ni Nicole ang kanyang kaibigan bilang mapagbigay na hindi nakikita ng mga tao. Aniya kahit tumatanggap ng maraming blessings si Maxine ibinabahagi pa daw niya ito sa mga kapatid at sa mga kaibigan.

"Si Maxine na hindi niyo kilala sobrang mapagbigay niya, di ba as Miss Universe she gets a lot of gifts from people? Siya binibigay niya sa family, sa akin. Kahit siya wala ng matira pero para sa kanya she feels a lot better."

Humingi din ng suporta at panalangin si Nicole sa mga Pinoy at sa mga pageant fans para sa nalalapit na laban ng kanyang kaibigan dahil talagang ginagawa daw ni Maxine ang kanyang best para makuha ang korona.

"Siguro mananawagan lang po ako na suportahan natin ng buong puso si Maxine Medina because she's training so hard, and lahat ng critique naririnig niya and natatanggap niya. Pero the only thing she needs now is encouragement and love," pagtatapos ni Nicole.