• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ella Cruz has no regrets about leaving Star Magic

EXCLUSIVE: Ella Cruz has no regrets about leaving Star Magic

Ella Cruz is very happy with her career now with Viva.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/10/2017 10:03 AM
EXCLUSIVE: Ella Cruz has no regrets about leaving Star Magic


011017-EllaCruz_PUSH.jpgIkinokonsider ni Ella Cruz na biggest break niya sa pelikula ang horror film na Dark Room ng Viva Films kaya hindi raw maiwasan na makaramdam siya ng pressure dito.

Ayon sa dalaga nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng Dark Room, pressured siya sa pelikula.

“Mas matindi yung pressure, triple halos kasi first film ko ito sa Viva tapos sobrang nakakatuwa kasi pinagkatiwalaan nila ako agad na mag-lead dito sa movie na ‘to. And siyempre, yung lahat ng expectation naiisip ko kaya sobrang kinakabahan ako,” sey niya.

May pressure man pero hindi raw naman niya pinagsisisihan na lumipat ng Viva Artists Agency mula sa Star Magic kung saan siya nagsimula.

“Kasi sa ngayon, never akong napahinga ng Viva. Hindi man visible sa TV, marami naman akong ginawa, kapag mga shows, endorsements, mga kahit ano pang extra work nabibigay naman po nila. At kahit papaano, yung gusto kong gawin na gusto kong magkaroon ng single, ng song, nabigay nila sa akin.

“Sobrang natutuwa po ako kasi kumbaga, parang tinutulungan nila akong maabot lalo yung dreams ko. Yung single ko, marami naman siyang na-gain na views sa YouTube kaya sobrang nakakatuwa.”

Friends pa rin naman daw siya sa ilang Star Magic artist tulad ni Kiray.

“Nakakausap ko pa rin sila. Nakikita ko pa din sila, friends pa rin. Hindi naman mawawala yung friendship na nabuo namin sa dati kong home studio,” kuwento pa niya.

Nang hingin namin ang reaksyon ni Ella sa tila naudlot na karir ni Kiray after niyang magbida sa dalawang pelikula ng Regal Films—Love Is Blind and I Love You To Death—ang sabi niya, “ganu’n naman talaga yon.”

Dagdag pa niya, “Siyempre, yung Regal, may mga iba rin silang ginawang movies like yung kina Direk Perci (Intalan) and Jun Lana at iba pa, so siyempre tinatantya rin yon ng Regal, kung ano yung movies na gagawin nila. May perfect role for Kiray and for sure naman meron din yung kasunod kasi mahal na mahal naman siya ng Regal at nakikita ko yon at mahal na mahal din naman niya ang Regal.”

Eh, kumusta naman ang puso niya ngayon?

“I’m in love with work… charot! Ang showbiz ng sagot di ba?” natatawa niyang pahayag.

“Kalma lang ang puso ko ngayon. I have my family, I have my friends, yung mga dancers ko kasi ngayon sila na yung mga nagiging kaibigan ko kasi nga puro sayaw ako ngayon. Ano lang ako ngayon, mas pinipili ko kasing matrabaho at mag-focus sa trabaho ko lalo na ngayong bagong taon.”

Samantala, palabas na sa January 18 ang Dark Room na pinagbibidahan din nina Jack Reid, Bret Jackson, at iba pang Viva contract stars.