• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Alonte grateful both his MMFF films are doing well at the box office

Ronnie Alonte grateful both his MMFF films are doing well at the box office

Ronnie Alonte is happy that ‘Seklusyon’ and ‘Vince and Kath and James’ were well-received.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/1/2017 10:09 AM
Ronnie Alonte grateful both his MMFF films are doing well at the box office


Ronnie AlonteArangkada ngayon sa pagiging blockbuster ng Metro Manila Film Fest 2016 ang dalawa sa mga pelikula ng rising actor na si Ronnie Alonte na ang Seklusyon at Vince and Kath and James.

Sa panayam sa aktor sa red carpet ng Gabi ng Parangal ng MMFF, naibahagi ng binata ang kanyang kagalakan sa pagtabo ng kanyang pelikula sa takilya.

"Siyempre po una sa lahat sobrang saya po ang first movie ko ay number one kaagad bukod sa nakapasok sa Metro Manila Film Fest tinangkilik po kaagad," panimula ni Ronnie.

Lubos din ang pasasamat ni Ronnie sa Panginoon dahil sa mga hindi niya inaasahang pangayayaring ito.

"Wala po akong masabi kaya nag papasalamat lang po ako kay God sa mga nangyari ngayon and happy po ako talaga kaya sobrang magandang pamasko po ito talaga."

Kasabay naman ng pag-ulan ng blessings sa binata ay ang patuloy na pag ulan ng mga bashers na kumukuwestyon sa kanyang kakayahan. Aniya apektado pa din siya sa mga negatibong komento na ibinabato sa kanya.

"Yes sobra po lalo pa po ako medyo mahina ako sa ganun e. So ginagawa ko nalang hinahayaan ko nalang. Hindi ko naman po mapipigilan kung ibabash pa nila ako or hindi. Basta ako ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang artista," saad pa ni Ronnie.

Gayun pa man, hiling pa din ng binata ang tuloy tuloy na pag buhos ng blessings sakanya sa darating na 2017 kalakip ang pasasalamat sa management na patuloy ang tiwala para sa kanya.

"Wish ko lang naman mag tuloy tuloy pa ang mga blessings na dumarating sa akin, siyempre pagkatiwalaan padin ako ng management yun lang po," pagtatapos na kuwento ni Ronnie

Mapapanuod ngayong 2017 si Ronnie sa upcoming teleserye na A Love to Last kung saan makakasama niya sina Bea Alonzo at Ian Veneracion.