• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nikko Natividad admits he felt threatened when he learned about the Hashtags audition

EXCLUSIVE: Nikko Natividad admits he felt threatened when he learned about the Hashtags audition

Nikko Natividad reveals his thoughts on new Hashtag members.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/1/2017 9:11 AM
EXCLUSIVE: Nikko Natividad admits he felt threatened when he learned about the Hashtags audition


010117-NikkoNatividad_PUSH.jpgTapos nang magpa-audition ang It’s Showtime para sa bagong batch ng Hashtags na ilalagay din nila sa noontime show. Aware naman ang mga original na Hashtags members tungkol dito. Ayon kay Nikko Natividad, nagulat siya nang malamang magkakaroon ng bagong Hashtags ang It’s Showtime.

“Siyempre, yung totoo ha, nagkagulatan kami ng mga ka-Hashtags ko,” reaksyon agad ni Nikko.

“Sabi nga nung ibang Hashtags, hindi pa kami sumisikat lahat magdadagdag na uli. Pero sabi naman sa amin sa Showtime walang aalisin.

“Yon kasi ang iniisip namin, akala namin may papalit, pero hindi, dadagdagan lang. Dadagdagan kasi marami sa amin uma-absent gawa ng taping, raket, so para daw may naiiwan sa Showtime,” patuloy na pahayag ni Nikko.

Handa rin daw siyang i-welcome ang bagong Hashtags.

“Give way din sa iba kasi tinanggap din kami ng Showtime na walang-wala, di ba? So ganu’n din namin tatanggapin yung magiging bagong member,” pahayag pa ni Nikko na ka-two-in-one ni McCoy de Leon sa PBB Celebrity Housemate na muling papasok sa January sa Pinoy Big Brother.

Na-threaten ba siya at kinabahan na may bagong grupo ng Hashtags?

“Na-threaten ako, totoo. Kasi nga ang iniisip noon, sabi ko, hindi pa nga ako nabibigyan ng break sa acting…alam mo yon. Tapos mahahati ang atensyon, kasi nga marami kami pero kung anong ibigay at kagaya ng lagi kong pinadadasal, hindi man sumikat nang sobra, huwag lang mawalan ng trabaho dito sa showbiz.”

Kaya nga raw as much as possible ay ayaw niyang umabsent sa programa.

“Yon ang ayaw na ayaw ko, hindi baleng rumaket ako, pero ayoko talagang mag-absent sa Showtime.”

Posibleng makasama sa cast ng A Love To Last si Nikko bilang kaibigan ni Ronnie Alonte, pero wala pa raw final tungkol dito.

“Natuwa naman ako at naalala ako ni Ronnie, sasabihin daw niya na ako na lang yung kuning barkada niya don sa teleserye. Sana matuloy,” wika pa niya.

Nagbago ba ang ugali ni Ronnie?

“Hindi nagbago. Hindi siya nagbago. Yon lang siguro ang napapansin ng iba kasi hindi naman nila personal na kilala si Ronnie, pero mapagbigay pa rin siya. Mabait pa rin.”

Eh, baka naman siya ang yumabang at hindi si Ronnie?

“Wala naman po. Don naman ako natutuwa, pag sinasabi ng mga tao na huwag daw akong magbago, ituloy ko daw yung pagiging kengkoy. Kahit nga po sina Vice (Ganda) at si Miss Anne Curtis, sabi nila ituloy ko lang yung pangkenkoy na mukhang mayabang pero jologs,” pagtatapos ni Nikko.