Ana Capri admits she’s a big Kathniel fan

Ana Capri says she’s very happy to be part of ‘Barcelona: A Love Untold.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/9/2016 8:14 AM
Ana Capri admits she’s a big Kathniel fan


090916-AnaCapri_main.jpgParang teenager na kinikilig si Ana Capri kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold kung saan masuwerte siyang napasama sa cast.

“First time ko silang naka-work, then, siyempre, bilang fan din ako. First time ko sila nakita, isang beses, parang nasa location ako, nagkataon, nadaanan ko rin sila. Talagang kahit sobrang pagod ko, ‘wait lang, pa-picture din ako,’” natatawang pag-amin ng aktres.

Ayon pa sa aktres, after magpakuha ng picture sa KathNiel ay ipinost daw agad niya ito sa social media at laking gulat niya sa napakaraming nag-like sa photos niya kasama ang magka-love team.

“Sobrang daming nag-like. Hindi talaga ako pinatulog kasi maya’t maya may notification. No’n ko lang na-experience yon, hahaha!” pagtatapat pa ni Ana.

Tuwang-tuwa din daw siya nu’ng malamang makakasama siya sa Barcelona: A Love Untold at makakatrabaho niya ang KathNiel.

“Nung sinabi ‘yung film na ‘to (Barcelona: A Love Untold), oo naman, go!” sey pa ni Ana.

Eh, ano namang masasabi niya ngayong nakatrabaho na niya ang dalawa?

“Bilang katrabaho, talagang talagang napaka-dedicated nila sa kanilang work,” papuri pa niya.

“Kahit na ilang beses na ginagawa (yung mga eksena) , andun pa rin, makikita mo pa rin na tina-try nila ‘yung best nila.”

Nakita rin daw niya kung gaano ka-caring si Daniel sa mga katrabaho nito.

“Nu’ng nagkasakit ako, binigyan niya ako ng gamot. Pero ayoko ngang inumin. Souvenir na lang,” pabiro niyang pahayag.

Ibinahagi din ni Ana kung ano ang nakikita niya kina Kathryn at Daniel kapag magkasama sila sa set.

“Kung gaano sila ka-sweet sa screen, maski off-cam, sweet sila.”

Samantala, role bilang stepmother ni Daniel ang ginagampanan ni Ana. Asawa naman niya sa pelikula si Joey Marquez.

Showing na ang Barcelona: A Love Untold sa September 14. Mula ito sa direksyon ni Olive Lamasan at prodyus ng Star Cinema.