Solenn Heussaff also shares drug test results to public

The model-actress’ manager says Solenn believes in a clean and healthy lifestyle.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/9/2016 1:18 AM
Solenn Heussaff also shares drug test results to public


090816-SolennHeussaff_PUSH.jpg Maraming mga artista ang isinapubliko ang resulta ng kanilang drug test para patunayang negatibo sila sa paggamit ng illegal drugs. Ang pinakahuling naglabas ng resulta ng kanilang drug test ay ang Viva talents na sina James Reid at Anne Curtis.

May nakita rin kaming post ni Claudine Barretto sa kanyang Facebook account na nagpapatunay na negatibo siya sa paggamit ng illegal drugs.

Ang model-actress na si Solenn Heussaff ay sumailalim na rin sa drug test. Gusto ring isapubliko ng manager niyang si Leo Dominguez ang resulta nito.

Sa message na natanggap namin mula sa publicist ni Leo, sabi nito,  “Solenn Heussaff has tested negative for illegal drugs. Leo Dominguez of LVD Management & Consultancy Services, the talent management company managing the Filipina-French actress/model, has decided to publicize her results in support of the government's stand and campaign against illegal use of prohibited drugs.

“This is also to inform the public of Solenn's beliefs of clean and healthy living.”

Ayon naman kay Dominguez, “Solenn practices in what she believes in, which is to live a healthy and productive lifestyle, this includes her position against the use of prohibited and illegal drugs."

Kasama ng statement ibinigay din niya ang laboratory results na galing sa Hi-Precision Diagnostics Plus in Poblacion City of Makati, isang medical laboratory na licensed by the Department of Health.

090816-SolennHeussaff1_PUSH.jpg