• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado still refuses to confirm her relationship with Dennis Trillo

Jennylyn Mercado still refuses to confirm her relationship with Dennis Trillo

Jennylyn Mercado also wants to keep her son Jazz out of the limelight as much as possible.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/8/2016 10:14 AM
Jennylyn Mercado still refuses to confirm her relationship with Dennis Trillo


090816-JennylynMercado_PUSH.jpgHindi vocal si Jennylyn Mercado kapag tungkol sa kanyang love life na ang pinag-uusapan. Hanggang ngayon ayaw pa rin niyang aminin kung ano talaga ang status ng relasyon nila ni Dennis Trillo.

Patawa-tawa lang siya kapag inuusisa ang tungkol dito. Walang mapiga ang showbiz press kahit pa anong pilit namin.

“Kayo talaga, hayaan n’yo na lang,” natatawa niyang pakiusap sa press.

“Wala namang dapat sabihin, eh,” pag-iwas pa niya.

Nakiusap din si Jennylyn na tungkol na lang daw sana sa career niya ang pag-usapan.

“Gusto ko pa ring magtira ng privacy para sa sarili ko,” sambit pa ni Jennylyn.

“Siyempre, gusto mo naman na ‘yung mga personal na bagay, sa sarili mo lang or sa pamilya mo lang ‘yun,” dagdag pa niya.

Napansin namin na hindi lang sa love life medyo iwas si Jennylyn. As much as possible ay ayaw din daw niyang mapag-usapan ang tungkol sa anak niyang si Jazz kay Patrick Garcia.

“Kasi, gusto ko na lumaki siya nang normal,” maigsing katwiran ng singer-actress.

Samantala, thankful naman si Jennylyn sa pagiging supportive ni Dennis sa bago niyang album under Ivory Music dahil iprinomote pa raw ito ng actor ng ilang beses sa kanyang Instagram account.

“Thankful din ako, kasi sinusuportahan niya ako, like ito ngang pag-post niya ng album ko, salamat naman,” masaya niyang pahayag.

Ang bagong album ni Jennylyn ay may title Ultimate. Ang kantang “Hagdan” naman ang magiging carrier single nito.

“Na-miss ko na ring kumanta. He-he-he. Puro acting na kasi mga ginawa ko lately,” nakangiting sambit pa niya.