• Home
  • Fresh Scoops
  • Inah de Belen doesn’t want to be compared to mom Janice de Belen

Inah de Belen doesn’t want to be compared to mom Janice de Belen

Inah de Belen is focusing on improving herself as an actress.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/8/2016 9:26 AM
Inah de Belen doesn’t want to be compared to mom Janice de Belen


090816-InahDeBelen_PUSH.jpgNaging usap-usapan kamakailan ang anak na babae ni Janice de Belen na si Inah dahil sa pag gamit nito ng de Belen imbis na Estrada na apelyido ng kanyang ama na si John ng pumasok ito sa showbiz.

Dahil dito hindi maiwasan na pag kumparahin ang mag-ina sa lahat ng bagay lalo na ang hindi matawarang galing ni Janice bilang isang aktres.

Sa panayam na ito kay Inah habang pumapasyal silang mag-anak sa Titans: The Age of Ice display ng Ayala Mall, naitanong sa baguhang aktres kung papaano niya tatanggapin ang comparison sa kanilang mag ina.

Ayon kay Inah, "lagi naman may comparison e pero I always tell them na my mom is my inspiration on everything that I do."

Dagdag pa ni Inah itinuturing niya na advantage ang pagiging anak ni Janice de Belen at John Estrada dahil madali na siyang nakikipag kilala sa mga kapwa niya artista na dating nakatrabaho ng kaniyang mommy.

"Thankful po ako kasi kilala na nila ako kasi kilala nila si Mom so hindi na po ako nahirapan pa makipagkilala pa sa kanila."

Tuloy-tuloy naman ang discovery ni Inah sa sarili niyang acting skills na solo niyang natutunan sa mga nakakasama niyang beterano din sa taping kahit hindi siya natuturaan ng kanyang mommy na si Janice.

"Sobrang masaya. Okay naman lahat marami akong bagong natututunan kasi siyempre yung mga kasama ko matatagal na din sa showbiz."