• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino reacts to Rachelle Ann Go backing out of Divas concert

Yeng Constantino reacts to Rachelle Ann Go backing out of Divas concert

Yeng Constantino also talks about watching her musical ‘Ako Si Josephine’ for the first time.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/7/2016 9:33 AM
Yeng Constantino reacts to Rachelle Ann Go backing out of Divas concert


090716-YengConstantino_PUSH.jpgKahit may jetlag pa mula sa biyahe from New York, masayang nagkuwento si Yeng Constantino sa media night ng stage musical na Ako Si Josephine na naganap sa Peta Theater noong September 6. Dito ikinuwento ni Yeng ng masayang experience kasama ang kanyang ASAP family.

"Sa Barclay Center na venue namin, sumilip kami nila tito Gary (Valenciano) mula sa likod bago mag-start ang show. Tapos nakakaiyak ang nakita namin dahil puno ng mga tao ng venue at mas nakakatuwa po andami mga kababayan natin ang nanood."

Magsisimula na rin mapanood sa September 8 ang stage musical na Ako Si Josephine kung saan maririnig ang mga kantang isinulat ni Yeng.

"Hindi ko pa ito napapanood at ngayong gabi ang unang beses na mapapanood ko ng buo kaya excited ako at alam ko naman na magiging maganda ang kabuuan dahil ang gagaling nila lahat."

Nagbigay reaction na rin si Yeng sa balitang di na makakasama sa kanilang pas concert si Rachelle Ann Go dahil conflict na ito sa kanyang schedule sa international theater.

"Nalungkot po kami lahat siyempre pero masaya kami para kay Rachelle Ann sa blessings na dumadating sa kanya. Baka mag Broadway medley na lang kami para kasama pa rin namin siya sa concert," pagtatapos ni Yeng.