• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos thanks Jadine fans for positive feedback on his performance in “Till I Met You”

JC Santos thanks Jadine fans for positive feedback on his performance in “Till I Met You”

JC is grateful for not having bashers online.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/7/2016 5:33 PM
JC Santos thanks Jadine fans for positive feedback on his performance in “Till I Met You”


090716-jcsantos_push.jpgMainit na sinalubong ng mga fans ng teleseryeng Till I Met You ang bagong third wheel sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre na si JC Santos, na present para sa suporta sa mga kapwa niya theather actors sa press presentation night ng Ako si Josephine the Musical sa PETA Theater kagabi.

Labis na pasasalamat ang ipinabot ng aktor dahil sa hindi inasahang magagandang feedback na kanyang nakukuha sa pilot week ng bagong teleserye kung saan siya ang hadlang sa pag-iibigan ni Iris and Basti.

"Sobrang masaya ako dahil napapasaya ko ang mga audience natin at natutuwa ako na masaya sila wala na akong masasabi pa kung hindi salamat," sabi ni JC.

Masayang-masaya din naman si JC dahil sa magandang samahan nila sa set lalo na sila ni James and Nadine, masaya din ang aktor sa mainit na pag supporta sa kanaya ng Jadine fans

"So far wala pa naman akong natatanggap na bashers, and sa Jadine fans, thank you kasi napaka supportive nila and I love them so much."

Sa pag pasok ni JC sa teleserye hindi naiwang itanong sa aktor kung hudyat na ba ito ng tuloy-tuloy niyang pag gawa pa ng iba pang mga proyekto sa telebisyon.

"Hindi ko masabi kasi I don't know what’s going to happen after this, baka bumalik ako sa teatro, sa pelikula, sa indie film. Kung ano ang mauna doon lang naman ako," pagtatapos ni JC.