EXCLUSIVE: Upgrade says no girlfriends for now

Upgrade members are happy to be with Star Music.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/7/2016 9:30 AM
EXCLUSIVE: Upgrade says no girlfriends for now


090716-Upgrade_PUSH.jpgNasa Star Music at One Music PH na rin ang grupong Upgrade. Patunay lang na unti-unti na nilang natutupad ang pangarap na makilala bilang sikat na boy band sa Pilipinas.

“Siyempre po, nu’ng una hindi po kami makapaniwala. Tapos kahit papaano po, napapansin kami sa ABS-CBN, nabibigyan po kami ng chance,” masayang reaksyon ng grupo.

Ang Trumpets Challenge na inupload nila ay meron ng halos 10 million combined views. Ito rin daw isa sa mga dahilan kung bakit napansin sila ng ABS-CBN at Star Music.

“Malaking factor po talaga yung pagiging viral ng video namin lalo na yung Trumpets Challenge, then sunud-sunod na po yung naging offer ng ABS, yung mga guestings namin sa ASAP, Rated K pati sa It’s Showtime. Tapos hinihintay po namin yung sabi ni Vice (Ganda) nu’ng napanood niya kami sa Showtime na ige-guest din niya kami sa GGV.”

Puro single pala ang Upgrade members. Nagkataon lang ba ito o sinadya nila?

“Baka po kasi maka distract. Kasi sa sitwasyon po kasi namin ngayon, kailangan po focus sa kung ano po yung ginagawa namin, dapat mabigyan ng maraming oras,” katwiran ni Casey.

“Kasi bukod po sa ginagawa namin ngayon, nag-aaral din po sina Ken at Billy.”

Hindi raw nila ngayon hinahanap ang kilig ng pakikipag-girlfriend.

“Sakto lang. Puwede naman pong humugot ng kilig sa family, sa friends po. Puwede naman po don,” katwiran ng grupo.

“May darating naman po sa amin, hintay-hintay lang. Siguro, pag na-achieve na po namin yung gusto namin. Saka masyado pong ano, eh, nagseselos po yung mga supporters namin kapag nakikitang may kasama kaming babae. Mas gusto po nila single kami,” hirit pa ng isang member ng Upgrade.

Waka bang inggitan sa grupo?

“Kami po kasi, nagkakaintindihan kami bawat isa. Katulad po ni Mark, marami po siyang commercials, masaya po kami para sa kanya kasi nadadala niya rin po yung grupo namin. Saka, parang happy kami para sa kanya din. Sineshare din naman niya sa amin yung blessing niya.

“Kasi matagal na rin po yung almost four years, eh. Kasi hindi naman po kami magtatagal ng four years na magkakasama kung hindi kami magkakasundo. Saka open-minded naman po kami lahat,” pahayag nila.

Nakakatuwa ring malaman na hindi mga gimikero ang member ng Upgrade.

“Hindi po kami gumigimik. Ang pinakalabas lang po talaga namin ay kain, food trip po. Minsan tatambay po kami sa bahay ng ka-member namin, magluluto, kakain, ganu’n lang po. Pero yung gimik or night out, hindi po, eh.”

Pagtatapat pa ng ng isa nilang member, “Ako nga po, seriously, hindi pa po ako naka-experience mag-bar.”

“Lahat po kami, focus muna ngayon sa ginagawa namin. Marami pa naman pong time for that, sayang po ang opportunity, eh, kaya focus po muna sa work,” pagtatapos ng Upgrade.