Claudine Barretto submits self to drug testing

Claudine's drug tests came out negative.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/8/2016 12:24 AM
Claudine Barretto submits self to drug testing


090716-ClaudineBarretto_POD.jpg

Isang malapit na kaibigan ni Claudine Barretto ang nagbahagi ng drug test results ng aktres sa Instagram.

Para patunayan sa mga kritiko ng aktres, inupload ng entertainment reporter na si Francis Simeon ang buong papel na naglalaman ng resulta ng drug test ni Claudine.

Negative ang lahat ng resulta ng tests ni Claudine sa 10 na naka listang illegal substances.

"Para sa mga humusga kay @claubarretto" sabi sa caption ng larawan.

Kung matatandaan, usap-usapan ang pag gamit diumano ng aktres ng bawal na gamot dahil na din sa demandahan ni Claudine at ng kanyang asawang si Raymart Santiago noong 2013. Nagkaayos naman na ang dalawa at sa ngayon ay inaayos ang gusot ng kanilang pagsasama sa korte.

Para sa mga humusga kay @claubarretto.. ??

A photo posted by @mameyfrancesimeon on