• Home
  • Fresh Scoops
  • Yen Santos admits she was first hesitant to work with Piolo Pascual in ‘Once In A Lifetime’

Yen Santos admits she was first hesitant to work with Piolo Pascual in ‘Once In A Lifetime’

Yen Santos says she still can’t believe she was given the chance to become Piolo Pascual’s leading lady.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/6/2016 9:54 AM
Yen Santos admits she was first hesitant to work with Piolo Pascual in ‘Once In A Lifetime’


090616-YenSantos_PUSH.jpg “Hindi ko talaga kasi in-expect agad-agad na makakapartner ko si Piolo. So, parang yung feeling na rekta agad, na ang daming nilampasan, so parang ganun yung pakiramdam.”

Ito ang naging sagot ni Yen Santos sa tanong ng Push.com.ph kung ano ang pakiramdam na sa dinami-dami ng aktres sa showbiz, siya ang napiling makapareha ni Piolo Pascual sa pelikung Once In A Lifetime ng Regal Films.

Maging siya raw ay nagtataka na sa kanya ibinigay ang role at hindi pa rin siya makapaniwala.

“Actually, tinatanong ko rin po talaga yan, na parang bakit nga ba ako? Actually, hindi lang naman din po sa movie na ito, pero sa bawat project na nakukuha ko sa ABS-CBN, sobrang nasu-surprise ako palagi…  na bida yung role, ganyan, so very flattering po talaga.

“And sabi ko nga, baka talagang may dahilan ang lahat. Baka talagang pana-panahon yan. Actually, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko sa inyo kung bakit ako yung nakuhang (leading lady). Mahirap na tanong po yon, eh. Basta overwhelmed po ako.

Nagkaroon ba siya ng pag-aalinlangan na tanggapin ang project?

“Ay, nag-hesitate po ako. Sobrang dami ko pong hesitations nu’ng una talaga, kasi siyempre ang dami kong inisip,” pag-amin ni Yen.

“Nagtanong talaga ako kung kakayanin ko ba? At alam naman po nating lahat na parang for me, nag-uumpisa pa lang din ako, eh. Tapos Piolo Pascual yon at alam nating lahat kung sinu-sino yung nakakapareha niya na talagang mga aktres—Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Sarah Geronimo.

“Ang tanong ko nga sa handler ko, ‘kayanin ko ba to?’ Siyempre, ang dami ko pong hesitation. Ang dami kong duda. Sabi ko, pag ba tinanggap ko ito, kakayanin ko ba? Puro ganun po yung tanong.

“Ang katwiran ko na lang, kung ibinigay ito sa akin sino ba naman ako para tumanggi? At yung tiwala na binigay, siyempre ako po, ang gagawin ko na lang, ibalik yung tiwala na yon at talagang gagalingan ko na lang para ma-prove ko na hindi kayo nagkamali,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Yen.

May ginagawa ring teleserye ngayon sa ABS-CBN si Yen pero pansamantala raw itong nahinto.

“Nag-stop po ng taping yon kasi hiniram po si Direk Dan (Villegas) for Till I Met You and ginawa po ni Gerald (Anderson) yung movie niya and hindi pa po kami ulit nagre-resume.

“Pero yung mga eksena po sa Mindoro, tapos na po yon, yung establishing tapos na… wala nga lang pong sabi kung kailan kami magre-resume,” kuwento ng dalaga.

Bukod kay Piolo, sino pa bang mga actor ang gusto niyang makatrabaho.

“Sana po maka-work ko si John Lloyd (Cruz), Jericho (Rosales), sina Coco (Martin), yon po,” nakangiti niyang pagtatapos.