• Home
  • Fresh Scoops
  • Francis Libiran wants to make Liza Soberano’s real-life wedding gown

Francis Libiran wants to make Liza Soberano’s real-life wedding gown

Francis Libiran says he was happy to have dressed Liza Soberano for the ‘Dolce Amore’ finale.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/6/2016 9:26 AM
Francis Libiran wants to make Liza Soberano’s real-life wedding gown


090616-FrancisLiza_PUSH.jpgExcited at exclusive na nagpa-interview ang international fashion designer na si Francis Libiran tungkol sa kanyang latest project. Magbubukas na ngayong September 15 sa Greenbelt 5 ang Francis Libiran Bridal na naka-focus sa brides-to-be.

Marami ng ‘di malilimutang contribution si Libiran sa fashion industry at naka-ambag na rin siya para mai-angat pa ito sa international market kaya paborito rin siya ng kilalang showbiz personalities.

Latest na ginawa ni Libiran ang wedding dress na ginamit ni Liza Soberano sa kasalan scene nila ni Enrique Gil sa katatapos lang na Dolce Amore serye.

"Si Liza ay maganda at very elegant. Iba ang tindig ng batang ito. Talagang believable na isa siyang magandang bride."

Naibahagi rin ng magaling na designer na looking forward na siyang gawin ang wedding gown ni Liza sa actual wedding nito.

"Sana pag dumating ang panahon na ikakasal na talaga siya magawan ko siya ng gown. Pero matagal pa yun dahil batang bata pa siya," pagtatapos ni Francis.

090616-FrancisLibiran2_PUSH.jpg