Tricia Centernera posts a message for Gary Valenciano

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/5/2016 7:21 PM
Tricia Centernera posts a message for Gary Valenciano


090516-GabTricia-POD.jpg

Tricia Centernera posts a message for Gary ValencianoxMatapos maging usap-usapan ang pagkakalabuan ng kanilang buhay mag-asawa, hindi naman kinalimutan ni Tricia Centenera, asawa ni Gab Valenciano, na batiin ang kanyang father-in-law na si Gary Valenciano.

Father’s Day sa Australia noong nakaraang Linggo, September 4. Nag-post siya ng litrato niya kasama ang kanyang ama at sinabing, “Happy Father’s Day Pup. Thank you for always taking care of me… catching me when I fall and pushing me when I'm scared to run. I love you @joseling you make me a better person.”

Para kay Mr. Pure Energy naman, sinabi niyang “So it's Father’s Day in Australia @therealgaryv, thank you for being my second Papa, you too are always here for me.” Ang mensahe ay may kasamang hashtag na “#respect.”


Nagsimulang magka-isyu ang samahan nila ni Gab nang mapansin ng netizens ang pag-post niya ng ilang quotes tungkol sa ‘cheaters.’

Read: Have Gab Valenciano and wife Tricia Centenera called it quits?

Kinumpirma naman ng kanilang publicist na si Chuck Gomez na may pinagdadaanan nga raw ang mag-asawa at sa ngayon ang tanging hiling niya ay ipagdasal ang dalawa na malagpasan nila itong pagsubok na ito.

Kinasal si Gab at Tricia ng dalawang beses noong isang taon, una ay sa Tagaytay Highlands sa Tagaytay ng March at nagkaroon sila ng beach wedding sa Boracay ng October.