• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla says he supports BB Gandanghari’s decision to change his name and gender

Robin Padilla says he supports BB Gandanghari’s decision to change his name and gender

“Basta masaya siya, masaya na rin ako.”

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/5/2016 7:10 PM
Robin Padilla says he supports BB Gandanghari’s decision to change his name and gender


090516-RobinPadilla_PUSH.jpgKamakailan ay ibinahagi ni BB Gandanghari sa kanyang Instagram account na siya’y nasa proseso na ng opisyal niyang pagpalit sa pangalan niya from Rustom Padilla to Binibini Gandanghari at pinalitan na rin niya ang kanyang gender from male to female.

READ: BB Gandanghari files for name change in the US 

Noong baby shower naman para sa asawang si Mariel Rodriguez, sinabi naman ni Robin sa ABS-CBN News at sa iba pang reporters na suportado siya sa desisyon ng kanyang kapatid.

“Mukha naman siyang masaya. Basta masaya siya, masaya na rin ako. Hindi naman ibig sabihin nun na kung ako ay masaya, ako ay 100% na sampalataya sa ginagawa niya. Basta mahal natin sa buhay, masaya sila, tama o mali, masaya siya, okay na rin,” saad niya.

“Ako lang, hangga’t wala kang sinasaktan na kapwa mo, okay sa akin lahat iyan. Sa palagay ko naman, masaya lahat ng nasa paligid ni utol, eh ‘di sige,”dagdag pa ng action star.

Matatandaang nag-come out si Rustom noong 2006 sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.

Samantala, sa pagdiriwang niya ng kanyang ‘almost golden’ age na 49, nag-post naman si BB ng kanyang sexy photo at pinasalamatan ang mga bumati sa kanya. Isa naman sa bumati sa kanyang post ay si Robin.