• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on KathNiel’s more mature roles: ‘Feeling namin ito yung perfect time para dun’

Kathryn Bernardo on KathNiel’s more mature roles: ‘Feeling namin ito yung perfect time para dun’

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla talk about working and sightseeing in Barcelona.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/5/2016 9:37 AM
Kathryn Bernardo on KathNiel’s more mature roles: ‘Feeling namin ito yung perfect time para dun’


090516-KATHNIEL_PUSH.jpgSa Rated K, nag-kwento ang love team Daniel Padilla at Kathyrn Bernardo tungkol sa pagpunta nila sa Barcelona, Spain para sa shooting ng pelikula nilang Barcelona: A Love Untold.

Ani Kathryn nasa bucket list talaga ni Daniel ang pagbisita ng Barcelona. Kwento naman ni Daniel kay host Korina Sanchez, “Grabe Tita, napakaganda ng Spain. Parang isa yun sa mga bansa na talagang babalikan namin. Iba yung feel nung Spain.”  

Paboritong  tourist spot doon ni Kathryn ang La Sagrada Familia kung saan doon sila nag- first shooting day. “Sagrada yung favorite tourist spot ko kasi feeling ko ang romantic niya, saka hindi mo alam kung paano ginawa sa sobrang detail ng pagkakagawa niya.” 

Isa pa sa ginawa ng Kathniel habang nasa Barcelona ang mag-shopping. Kwento ni Kathryn, “Bumili ako ng bag po, siya leather jacket.”  Bakit naman kaya leather jacket ang nagustuhang bilhin ni Daniel? “Leather Jacket talaga Tita, kasi minsan ko lang nakikita ang mga ganung designs e.” 

Namangha rin sila na kahit doon ay todo suporta sa kanila ang fans. Ani Daniel, “Walang nagsasabi ng location, pero nandun sila. Nauuna pa sila sa amin.” Dagdag pa ni Kathryn, konti lang kami so yung iba nagbubuhat ng gamit namin…” 

Meron ding mag-asawang Pinoy na dinala ang Kathniel sa bago nilang restaurant. 

Kwento ni Kathryn, “Sila yung nagke-cater sa amin every day, so kung nami-miss namin nag-rerequest kami ng sinigang, sisig…”  

Mas mature na diumano ang roles nina Kathryn at Daniel sa pelikulang ito. “Pati yung story mas mature na,” ani Kathryn. At handa na rin naman daw sila para dito. Ayon kay Kathryn, “Opo, basta one step at a time and yung sabi nga niya (Daniel) feeling namin ito yung perfect time para dun.”