• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia is very happy to be part of ‘Barcelona: A Love Untold’

Joshua Garcia is very happy to be part of ‘Barcelona: A Love Untold’

Joshua Garcia says he learned a lot from Olive Lamasan and Kathniel.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/4/2016 9:12 AM
Joshua Garcia is very happy to be part of ‘Barcelona: A Love Untold’


090416-JoshuaGarcia_main.jpgMasayang-masaya ang actor na si Joshua Garcia na makasama sa cast ng Barcelona: A Love Untold.

Itinuturing na malaking biyaya ng batang aktor ang kanyang pag kakabilang sa pelikula kasama ang malalaking pangalan sa industriya.

"Masaya ako, sobrang saya bihira lang ang maka trabaho si Inang (Olive Llamasan) tapos Kathniel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) pa talagang mabibigat na artista at direktor sobra akong blessed kasi maraming batang artista sa showbiz tapos ako ang napili para dito."

Bilang baguhan sa industriya, aminado din si Joshua na kinabahan siya ng nalaman niya na makatrabaho niya ang isang Olive Lamasan bilang kanyang director.

"Kinabahan ako pero na excite din ako. Masaya kahit kinakabahan, inaalalayan naman niya kasi ako kahit na bago ako. Kinakausap muna niya ako bago mag simula ang shoot. Sabi lang talaga sakin ni Inang na tumatak sa akin ay 'Never stop learning.’"

Naibahagi din ng batang aktor ang kanyang experience makatrabaho ang KathNiel, at pabirong naikuwento din niya ang natatanging sweetness ng love team habang nasa shoot sila sa ng pelikula sa Barcelona.

"Alam naman natin lahat yan na sobrang sweet nila nainggit nga ako e. Ang Kathniel napaka-professional nila, dumarating sila ng set ng ready na, kabisado na ang script. Parang mga beteranong mga artista na sila."

Bukod sa Barcelona: A Love Untold, inaabangan din si Joshua sa kanyang pag ganap bilang si "Z" sa nalalapit na pag sisimula ng The Greatest Love.