• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice De Belen reveals story behind daughter Inah's new screen name

Janice De Belen reveals story behind daughter Inah's new screen name

Janice shared that her daughter Inah talked to her father John Estrada about not using his surname on screen.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/4/2016 11:04 PM
Janice De Belen reveals story behind daughter Inah's new screen name


090516-JaniceInah_PUSH.jpgAbala man sa taping ng Be My Lady naisingit pa rin ng primiyadong aktres na si Janice de Belen na makapamasyal kasama ang kaniyang mga apo sa maagang pamaskong handog ng Ayala malls na Titans from the Age of Ice.

Sa panayam na ito kay Janice, naitanong din sa aktres ang naging desisyon kamakailan ng kanyang anak na si Inah hinggil sa pasok nito sa showbiz.

"I'm very happy for her, pag ganitong edad na siya bilang nanay dapat matuwa na ako kasi may trabaho na siya," sabi ni Janice.

Naging matunog din ang naging desisyon ng kanyang anak dahil sa hindi nito pag gamit ng apelyido na "Estrada" ng kanyang amang si John sa pag pasok nito sa showbiz. "De Belen" ang napili ni Inah na screen name sa kanyang pag-pirma sa GMA. Mas madali daw kasi ang recall nito at mai-coconnect agad siya na anak ng kanyang ina. Marami daw kasing "Estrada" na sa showbiz industry.

"Nag-usap naman sila, actually sila talaga ang nag-usap, siyempre at first medyo he felt weird because hindi nga niya name but then okay naman na, na explain naman sa kanya ng maayos and he said OK, so I guess he understood, Hindi naman kasi totoong buhay screen name lang naman ito," kwento pa ng aktres.

Paglilinaw ni Janice hindi niya i-pagkakait ang pangalan at ang oportunidad ni John bilang isang ama para sa kanilang mga anak.

"Bakit naman? Bakit naman ngayon, sana dati pa kung ganon ang gagawin ko? Sana I should have done that a long time ago, but I will never do that because tatay siya ng mga bata, well magkakaiba tayo ng prinsipyo sa buhay."

Sa ngayon masaya rin si Janice sa tuloy-tuloy at mainit na pag tangkilik ng mga manunood sa kanilang noontime teleserye na Be My Lady.